Magandang araw po, Dr. Elicaño. Ako po ay 50-taong gulang, may-asawa ay may malusog na pangangatawan. Itatanong ko lamang po kung ano ang dahilan ng prostate cancer at ano ang mga sintomas nito. Totoo po ba na ang mahihilig sa babae ay madalas tamaan ng prostate cancer? Marami pong salamat.”
—Angelo M. Sandiego, Project 6, Quezon City
Salamat sa pagsulat mo.
Walang eksaktong dahilan kung bakit nagkakaroon ng prostate cancer. Karaniwang nagkakaroon ng prostate cancer ay mga kalalakihang nasa edad 50 pataas. Batay din sa pag-aaral, ang mga kalalakihang marami ang naging kapareha sa pakikipagtalik ang kadalasang nagkakaroon ng sakit na ito. Isa rin umano sa dahilan ng prostate cancer ay ang history ng sexual transmitted disease at ang pagkain nang karne na masyadong mataas ang fat. Dahilan din umano ang sobrang exposure sa cadmium.
Hindi agad nade-detect ang prostate cancer. Nalalaman lamang ito incidentally kapag may nakitang ibang kondisyon sa katawan.
Para matiyak kung may prostate cancer ang pasyente, isasagawa ng doctor ang digital rectal examinations kung saan i-iinsert ng doctor ang kanyang gloved finger sa rectum at sasalatin kung ang gland ay matigas at lumalaki.
Kung nasa early stages ang cancer, ang pag-opera sa prostate gland ang isasagawa. Maaari ring gawin ang radiation therapy sa pamamagitan ng external beam o kaya’y radiation implant. Ang hormone treatment at cryotheraphy ay mga paraan din sa management ng prostate cancer.