^

PSN Opinyon

Jueteng sa CAMANAVA at Kyusi

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

SINABI ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na matindihan ang jueteng operations sa mga lugar na sumasakop sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela gayundin sa Kyusi.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang Madame Claudia, ang sinasabing financer sa CAMANAVA at isang Gerry Nepo naman sa Kyusi.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sina Ramil at Clyde sa Kyusi ang siyang engkargado ni Gerry Nepo kaya naman hindi lumulutang ang pangalan ng bangka dahil sa itinatago ito sa mga autoridad.

Naku ha!

Totoo kaya hindi alam pulisya ang pangalan ni Gerry Nepo at Madame Claudia?

Abangan.

Kuryente kumukurap -kurap na

HINDI biro ang problema ng madlang people sa ibang places sa Mindanao dahil nakakaranas ito ng halos everyday brownout kaya naman nangangamba ang mga negosiante todits na baka umalis sila dahil tiyak malulugi ang kanilang negosyo dahil sa close-open na kuryente.

Sabi nga, kukurap-kurap!

Kaya naman miting doon miting dito ang ginagawa ng gobierno para maluslusan este mali malunasan pala ang nangyayaring problema.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sana magkaroon ng mabilisan solusyon ang gobierno ng Philippines my Philippines regarding sa pinag-uusapan kuryente dahil nangangamba ang mga negosiante todits na umalis kung hindi agad maso-solusyunan.

Sabi nga, kapag nagpakaang-kaang pa? Hehehe!

Ang paguusap the other day ng mga naapektuhan lugar sa Mindanao ay nagkaroon kaya ng magandang solusyon?

Abangan.

Pangilinan sa Bureau of Customs

SABI ng mga tsismoso sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na isang Pangilinan daw ang maaring ipalit kay Customs Commissioner Ruffy Biazon oras na pumalaot ang huli sa politics this 2013.

Hindi naman sinabi ng mga tsismoso kung sino sa mga Pa­ngilinan ang uupo sa bureau pero anang mga ito ay maghintay lamang at ito anila ay isang malaking ‘surprise’ .

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang tatakbo bilang senador si Ruffy next year sa partido ni P. Noy kaya may mga balita ng kumakalat ngayon sa aduana na saying goodbye na daw si Biazon.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

‘Paano si Danny Lim saan ito pupunta?’ Tanong ng kuwagong kamote sa bureau.

‘Baka tumakbo din daw?’ Sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘Siguro mas maganda kung lihitimong taga - customs na lang ang gagawin Commissioner dito sa aduana para mas malaki ang makulimbat este mali karanasan pala’, sabi ng kuwagong nabukulan.

‘Ano totoo kaya ang balita?’

Kamote, kaya nga tsimis eh!

Abangan.

Laon-Laan 185 libre tule

ISANG medical mission ‘operation tule’ free of charge ang gagawin today dyan sa clubhouse ng Vista Verde Executive Village dyan sa Cainta City.

Mga Master Mason from Laon-Laan Lodge No. 185 sa pangunguna ng kanilang Worshipful Master na si Atty. Ramon “Mon” Gutierrez ang sponsor ng nasabing tulean blues.

Kaya naman iniimbitahan ang mga bata o matanda, bulag o nakakakita, may anghit o wala, bulag, pipi o bingi na gustong magpa-bawas ng kanilang kapirasong balat sa et-et para ma­ging ‘macho’ oras na natule. Hehehe!

Mga doctor from St. Luke’s hospital sa pangunguna ni Dr. Billy del Rosario ang siyang hihimas este mali tutule pala sa mga batang pupunta sa nasabing medical mission.

Sabi nga, punta na kayo libre ito!

Magsisimula ang libreng operation tule from 9 am onwards sa Clubhouse ng Vista Verde Executive Village kaya lahat ang pinapayuhan magpunta ng maaga para magpatala.

Ang hindi alam ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung may libreng paalmusal pa si Fiscal Rey Dumlao para sa mga magpapatule?

Kaya mag-abang tomorrow!

See you all......

ABANGAN

AYON

GERRY NEPO

KAYA

KYUSI

MADAME CLAUDIA

NAKU

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with