NABANAS si Mayor Alfredo Lim sa sunud-sunod na kabulastugan ng pulis sa MPD kaya ipinag-utos niya kay MPD director Chief Supt. Alejandro Gutierrez ang “shoot to kill order” kina PO1 Fulgencio Sideco at PO2 Rommel Fortuno. Hindi kasi basta-basta pipitsuging pulis sina Sideco at Fortuno. Ayon kay Lim si Sideco ay kilalang drug addict na armado ng M-16 at short firearm kaya may posibilidad na lumaban ito sa mga aaresto sa kanya. Ang huling biktima ni Sideco ay si Danilo Serrano, 63, mekaniko at dalawang bystanders sa lugawan sa Lacson at Romana Sts., Tondo, Manila noong Abril 7. Triger happy si Sideco. Binati lamang siya ni Serrano pero pinaulanan ng bala. Kargado sa droga si Sideco kaya minasama niya ang pagkaway at pagbati sa kanya.
Si Fortuno naman ay pinagbabaril ang kapwa pulis na si SPO1 Rodrigo Cortez, miyembro ng PNP Highway Patrol Group na naka-assigned sa Camp Crame. Nahuli umano ni Fortuno na akay-akay ni Cortez ang kanyang dating bebotski sa Tayuman St., Sta Cruz, Manila noong gabi ng Pebrero 9. Susmaryusep! Hindi matanggap ni Fortuno na naagaw ng iba ang kanyang kinahuhumali-ngang bebotski kaya pinatay niya si Cortez.
Si Sideco ay nakapag-piyansa sa kasong indis-creminate firing at pansamantalang nasa holding status sa NCRPO. Si Fortuno naman ay AWOL sa Caloocan Police.
May ilang beses nang pinagtanggol ni Lim ang mga pulis ng MPD. Tulad ng hostage taking sa Quirino Grandstand noong October 23, 2010. Dugong pulis ang nanalaytay sa ugat ni Lim dahil nagsimula siya sa kalye bilang patrolman hanggang sa maging hepe ng Western Police District. Ngunit ngayon nagbago ang pananaw ni Lim sa ilang pulis na sumisira sa imahe ng Philippine National Police.
Sasalain na ngayon ng MPD Aca-demy ang mga application ng nanga-ngarap maging pulis ng Maynila.
Saludo ako sa kautusan mo, Mayor Lim. Ito ang tamang paraan para matigil na ang pagpasok ng mga sanggano at mamamatay tao sa Manila’s Finest.
Abangan!