^

PSN Opinyon

Usapin ng enerhiya

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

KAMI ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ay naaalarma sa problema sa enerhiya. Sa Mindanao, matindi na ang dinaranas na mahabang brownouts, habang patuloy ding tumataas ang presyo ng kuryente roon.

Sa Luzon ay matindi rin umano ang kakulangan sa enerhiya na nagbabadya dahil sa pansamantalang pagsasara ng Malampaya Gas-To-Power Facility sa Hulyo para sa maintenance nito.

Ang ganitong mga kaganapan ay malaki ang epekto sa ekonomiya ng ating bansa at sa araw-araw na pamumuhay. Dahil dito, kailangan ang mga solusyon upang maiwasan ang paglala ng sitwasyon. Kasabay nito, makabubuting pag-aralan ng pamahalaan at iba’t ibang sektor ang pangmatagalan at komprehensibong solusyon sa paulit-ulit na problemang ito.

Ang mga konkretong hakbangin para sa pagtitiyak ng sapat na supply ng enerhiya sa ating bansa ay nakasaad sa Renewable Energy Act (Republic Act 9513) na isa si Jinggoy sa mga nag-akda.

Itinatakda nito ang pagbibigay ng sapat na pondo at atensyon sa malawakang pagsasaliksik sa iba’t ibang pagkukunan ng enerhiya na lokal, malinis, hindi naka­sisira sa kalikasan at paulit-ulit na puwedeng gamitin dahil hindi nauubos.

Mayroon nang nililinang sa ating bansa na ganitong uri ng energy sources tulad ng paggamit ng agos ng tubig mula sa dam para paandarin ang mga turbinang lumilikha ng kuryente, gayundin ang mga natural gas at mga biofuel mula sa katas ng halaman.

Pero marami pang ibang uri ng enerhiya sa ating kapaligiran na dapat malinang at mapaunlad tulad ng solar energy (init ng araw), geothermal (init mula sa ilalim ng lupa), wind (ihip ng hangin) at oceanic waves (alon ng dagat). Panahon na upang ganap na ipursige ang pagpapaunlad ng ganitong mga uri ng enerhiya.

* * *

Birthday greetings: Valenzuela City Mayor Sher­win Gatchalian (April 6).

DAHIL

ENERHIYA

MALAMPAYA GAS-TO-POWER FACILITY

RENEWABLE ENERGY ACT

REPUBLIC ACT

SA LUZON

SA MINDANAO

SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE JINGGOY EJERCITO ESTRADA

VALENZUELA CITY MAYOR SHER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with