BI Com David, command responsibilities

MAY tsismis na nasagap ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tungkol ito sa mga kapalpakan na nangyayari ngayon sa Bureau of Immigration partikular ang nangyaring ‘pagtakas’ ni Kim Tae Dong, habang ito ay under hospital arrest ng immigration.

Ayon sa bumulong sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malapit ng malungkot ang mga bugok dyan sa BI na nakipagsabwatan para makatakas si Kim Tae Dong, sa St. Luke’s hospital sa Taguig City ilang araw na lang ang binibilang dahil may sinasabing bababang hatol galing sa langit at malamang madaming opisyal na mga kamote ang gumulong ang ulo kapag nagkataon. Tama ba, Jerome Gabionza?

Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, malaking isyu ang ginawang kababalaghan ni Kim Tae Dong, kasabwat ang mga bugok sa Immigration dahil nanggagalaiti dito ang South Korea government sa nangyaring magic sa Koreano nang mawala ito sa ospital at alaws makapagsabi kung nasaan ito ngayon.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, inatasan ni DOJ Secretary Leila de Lima ang kanyang mga alipores sa departamento na magsagawa ng pagbusisi sa nasabing takasan blues.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa nangyaring pagkawala ni Kim Tae Dong ay maraming bugok na opisyal na nagsabwatan ang mayayari dahil tiyak kaso ang aabutin nito o kung hindi man, sana masibak sila sa bureau. Hehehe! Sana matuluyan ang mga animal! Tama ba, Jerome Gabionza?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, uso daw ngayon sa mga kamoteng kumita ng pera sa bureau ang bumili ng mga tsikot at hindi basta sasakyan kundi mga high end pa ang mga gusto tulad ng BMW X5. Tama ba, Jerome Gabionza?

Nagtataka ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung sa sahod ng mga lintek na ito kukunin ang pera para ipambili ng mga luxury car ay malabo nila itong mabayaran. Tama ba, Jerome Gabionza?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat ma-lifestyle check ang mga bugok sa BI na nagkamal ng napakaraming salapi.

Ibinulong sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na may kamoteng opisyal pa raw sa BI na nagbabayad ng malaki para ipaayos ang kanyang mansion sa isang province from the Philippines my Philippines.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Tama ba ito, Jerome Gabionza?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi lang pala BMW X5 ang binili ng isang tekamots dyan kundi may sumunod din dito na hindi nagpalamang kaya isang brandnew Toyota Fortuner daw ang gamit ngayon. Tama ba, Jerome Gabionza?

Sabi ng mga intel sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, last time around ay nayugyog ang isa sa mga office dyan sa BI nang mag-away ang kelot at kabit nito na ikinairita ng mga tsismosa sa immigration.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, namumuro na sa ‘palace in the sky’ ang ilang kamoteng opisyal dyan sa immigration at malamang masibak na sila sa tungkulin kapag nairita ng todo ang nasa itaas. Totoo kaya ito, Jerome Gabionza?

Sa nangyaring pagtakas ni Kim Tae Dong, dapat managot dito si Commissioner Ric David at iba pang opisyal sa intelligence division ng BI dahil sa ‘command responsibilities’ o aakuin ito ng kanilang bossing?

Abangan.

Jueteng sa Kyusi

MATINDIHAN pala ang jueteng operations sa Kyusi dahil namamayagpag ang grupo nina Gerry, Nepo, Kit at Tatad na mga financer dito pero nakatago sila sa kani-kanilang mga lungga para hindi pumutok.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sina Clyde at Ramil ang umaaktong engkargado dyan sa jueteng ng mga kamote. Ano kaya ang masasabi dito ni CPD director De Vega?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mga ex-cop daw ang nagpapatakbo ng jueteng at mga sugalan dyan sa Kyusi.

Abangan.

Show comments