Maraming problema itong ating bayan –
at ang disemleyo ay isa na riyan;
Mga trabahador nating kababayan
hirap sa paghanap ng mapapasukan!
Ang problemang ito ay pinalubha pa
nitong isang batas na latay sa bansa;
Matapos mag-aral hanggang college pa nga
nakuhang trabaho’y parang balewala!
Batas na nasabi’y kung bakit pumasa
sa ating Kongresong katuwang sa sala;
Anim na buwan lang siyang itinakda
na magtatrabaho mga manggagawa!
Bakit nga bakit nga ang nangyari’y ito
sasandali lamang ang pagtatrabaho;
Anim na buwan lang – hahanap ng bago
pagka’t temporary kanilang trabaho!
Ang kinita nila sa anim na buwan
paghanap ng bago ay ubos na iyan;
Pag minamalas pa’y walang mapasukan
kaya dobleng hirap sa mga magulang!
Ang naturang batas talagang masama
bakit di baguhin ng mga gumawa?
Noong araw naman hindi ito tama
pagka’t permanente mga manggagawa!
Ngayo’y temporary ang mga trabaho
dahil sa ang batas ay batas na gago;
Waring di matino nakaisip nito
mga mamamayan ang nilalatigo!
Kaya panahon nang kumilos ang Congress
ang nasabing batas dapat nang mawalis;
Gumawa ng batas kundi maipiit
sapat nang sisihin pagka’t nagmalabis!
Maswerte ang mga empleyado noon
ang trabaho nila’y panghabampanahon;
Sila’y tumatanda sa tangang posisyon
tumanda’t nag-retire at saka may pension!