^

PSN Opinyon

'Huwag pabi-bitag sa job scam!'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

TAONG 2006 pa lamang, aktibo na ang BITAG sa pag-lalantad ng mga kumpanyang nagbibigay umano ng trabaho pero ang negosyo pala ay manggantso!

 Ito ‘yung modus na Job Scam o Marketing kuno. Ang kanilang instrumento sa panloloko, mga dispalhadong produkto gaya ng water purifier, call at internet cards, insurance, appliances, gadget, kitchen wares, atbp

 Dati ng babala ng BITAG na patuloy na dadami ang mabibiktima. Hindi  kasi nakakasabay ang ating batas sa malikhaing pamamaraan ng panloloko ng mga kumpanyang ito.

 Ngayong 2012, parang mga kabute na ring nagsulputan ang mga dorobong kumpanya na ito. At dahil madami ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa, lobo din ang bilang ng mga nahuhulog sa kanilang patibong.

 Baka ang kasalukuyan niyong ina-aplayan ng tra-baho, ay manggagantso ring tulad sa e-mail na ito.

 Magandang Gabi po Sir Ben Tulfo,  Nag apply po ako sa kumpanya na pangalan ay MEDCEETECH TRADING located sa 17th floor Centerpoint building Garnet road corner Julia Vargas avenue, Ortigas, Pasig. Madami po silang pinost sa internet ng job hiring  nakapag apply na po ako at nalaman ko na modus lang pala ito. Sa pangalawang interview po hihingan ka nila ng 500 pesos para daw po sa insurance, hihingin din ang mga requirements katulad ng isang 1x1 at isang 2x2 picture, police clearance pero di naman po nila talaga tiningnan. Sasabihin nila na ito ang magiging posisyon mo na mataas ang ibibigay at pati kita tapos may challenge sila na pag nabenta mo yung isang produkto nila ay pipirma ka na ng kontrata. Mga health care insurance po ang produkto nila. Papipiliin ka nila kung ano gusto mo sa mga inooffer nila tapos nga po pag nag avail ka pasok ka na sa trabaho akala mo na account supervisor ka o kaya manager pero lumaon pagbebentahin ka lang at

 pag di ka nakabenta papalitan ka nila kaya patuloy ang kita nila. Sana po ay matulungan nyo kami maisawalat ito dahil napakarami na po silang nabibiktima.

Hindi na bago sa BI­TAG ang ganitong esti­lo ng modus ng Job Scam. Ang masaklap, karaniwang nabibiktima ng ganitong modus ay ‘yung mga galing pa ng probinsiya.

Maging maingat sa paghahanap ng traba- ho, hindi porket nasa ma­gandang gusali ang isang kumpanya ay lehitimo ang kanilang operasyon. Tandaan, ang tunay na kumpanyang magbibigay ng trabaho, hindi dapat ginagatasan o hinihi-ngian ng pera ang mga aplikante nito!

vuukle comment

BEN TULFO

CENTERPOINT

DATI

JOB SCAM

JULIA VARGAS

MAGANDANG GABI

NILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with