Ano po ang dahilan ng disenteriya?
“Magandang araw po Dr. Elicaño. Ano po ang dahilan at nagkakaroon ng disenteriya? Ano po ang paraan para maiwasan ang sakit na ito? Ito po ba’y nakukuha dahil marumi ang kapaligiran? O nakukuha dahil kulang sa proper sanitation ang mga tao? Paki-paliwanag naman po ang may kaugnayan sa sakit na ito.”
— Juanne M. Dalma, Novaliches, Quezon City
Ang disenteriya ay ang inflammation ng intestine, particular ang colon, dahil sa bacteria bacillary dysentery at protozoa (amoebic dysentery). Sa bacillary dysentery nagkakaroon ng grabeng pagtatae na may kasamang dugo at mucus. Maaring makaranas ng nausea, cramp at fever. Ang sintomas ay maaaring maranasan ng isang linggo.
Sa amoebic dysentery, ang sintomas ay maaaring makita sa loob ng isang linggo o maaaring abutin ng isang taon bago makita. Unti-unti ang pagpapakita ng sintomas. Maaaring bumaba ang timbang, namumutla at hindi natutunawan. Maaari ring magkaroon ng dugo ang dumi.
Ginagamot ang bacillary dysentery sa pamamagitan ng pagpapahinga, rehydration sa pamamagitan nang maruming tubig, siguruhing malinis ang mga ginagamit sa pagtulog. Kung maaari ay i-disinfect ang mga ito.
Sa amoebic dysentery, ginagamot ito sa pamamagitan ng nitromidazole drugs at susundan ng diloxamide furoate.
Maiiwasan ang dalawang dysentery kung uugaliin ang pagtatakip sa pagkain para hindi madapuan ng langaw, iwasan ang kontaminadong tubig, panatilihin ang proper hygiene at mabuting sanitation.
- Latest
- Trending