^

PSN Opinyon

'Pag-iingat sa panahon ng Kuwaresma'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

PANAHON na ng Kuwaresma. Sa susunod na linggo, sa Lunes ay umpisa na ng paggunita sa pagpapahirap at pagkamatay ni Panginoong Hesukristo.

Ngayong linggo pa lang, nagbigay na ng pahayag ang PNP-National Capital Region Police Office (NCRPO) na naka-alerto na ang kanilang puwersa para magbigay ng seguridad sa mga pantalan, bus terminals at paliparan.

Dagsa na kasi ang mga nasabing lugar ng mga taong mag-uuwian sa kani-kanilang probinsiya. Maging ang mga bakasyunista para samantalahin na ang summer.

Kapansin-pansin na ang masagwang tanawin kung saan, ang pila ng mga tao lalo na sa mga paliparan ay tila ahas ang itsura.

Maaaring dahil ito sa kawalan ng sistema ng mga pamunuan at hinahayaan na lamang ang mga taong nakapila ng parang mga bata o di kaya’y parang mga hayop na ipapasok na lang sa kani-kanilang mga hawla.

Nananawagan ang BITAG sa maganda at maayos na sistema ng mga pamunuan lalo na sa mga paliparan.

May mga turista nang sumasabay sa ganitong panahon papunta sa mga tourist spots sa probinsiya at hindi magandang karanasan ito para sa kanila.

Payo ni NCRPO Chief Allan Purisima, huwag na magdala ng masyadong maraming bagahe.

Subalit natural na sa mga Pinoy ang magdala nang maraming bagahe dahil na rin sa pasalubong para sa kanilang pamilya, hindi na mapipigilan ito. Hindi kasi tayo tulad ng ibang dayuhan na back-packers lamang tuwing magbabakasyon.

Narito ang ilang dapat tandaan pagbiyahe ngayong panahon ng Kuwaresma:

Huwag magdala ng matutulis na bagay o anumang deadly weapons.

Huwag na huwag bumiyahe ng may alahas sa katawan. Kung gusto ninyo ng mga mandurukot at magnanakaw, sige lang patuluin n’yo ang laway nila, inggitin niyo sila at bigyan ng oportunidad upang kayo’y mabiktima

Dagdag pa ng NCRPO na magpapalibot sila ng mga pulis sa mga residential area lalo na sa mga bahay na walang tao dahil nasa bakasyon.

Alam na alam ng mga akyat bahay gang ang mga palatandaan na walang tao ang kanilang papasuking bahay.

Tuwing magbabakasyon lalo na sa mahabang panahon, makabubuting ibilin sa mga pinagkakatiwalaang kamag-anak o kapit-bahay para hindi kayo maisahan. Palitan ang lahat ng kandado ng inyong bahay at ‘wag iwanan ang susi sa kapit-bahay.

Siguraduhing lahat ng daanan tulad ng pinto, bintana, basement at ma-ging mga lalagyanan ng aircondition ay nakakandado. Eto ang mga butas na posibleng daanan ng mga magnanakaw.

Tandaan, makabubuting mag-ingat kesa maisahan at mabiktima. Daig n’yo pa ang ipinako sa krus kapag naranasan niyo ang mga problemang ito.

ALAM

BAHAY

CHIEF ALLAN PURISIMA

DAGDAG

DAGSA

HUWAG

KUWARESMA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

PANGINOONG HESUKRISTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with