^

PSN Opinyon

'Doc, ano po ba ang Spina Bifida?'

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

“Hi, Dr. Elicaño, matagal ko na pong naririnig ang tungkol sa Spina Bifida pero hindi ko pa nagagawang ma-research maski sa internet. Sa halip ikaw na lang ang naisip kong pagtanungan dahil alam kong malaki ang nalalaman mo ukol dito. Ang pamilya namin ay suki ng PSN sa loob ng 20 taon. Maraming salamat.”

– CATHERINE MANRIQUE

Dapitan St. Sampaloc Manila, cath_08@yahoocom

Salamat sa pagtangkilik sa PSN.

Hindi pamilyar sa pandinig ang Spina Bifida. Bihirang matalakay at mapag-usapan. Pero alam mo bang dapat malaman nang marami lalo na ang mga kababaihang tulad mo ang tungkol sa sakit na ito? Dapat malaman ng mga kababaihan kung paano maiiwasan ang Spina Bifida.

Ang kahulugan ng Spina Bifida ay split spine. Nangyayari ang condition na ito habang ang sanggol ay nasa sinapupunan. Hindi gaanong nadebelop o nakaporma nang maayos ang spine kaya nagkakaroon ng split sa alinmang bahagi ng column. Ang spinal cord at spine ay bahagi ng neutral tube na nagsisimulang madebelop dalawa o tatlong linggo pagkaraan ng conception.

Hindi ganap na maunawaan kung bakit nagkakaroon ng ganitong kondisyon pero sinasabing may kaugnayan nang dietary, genetic at environmental factors. Karamihan sa mga sanggol na may Spina Bifida ay may hydrocephalous (tubig sa utak).

Maaaring ma-reduce ang pagkakaroon ng Spina Bifida kung ang ina ay magti-take ng folic acid at ganundin sa pagkain nang mga food na nagtataglay ng folate. Ang mga pagkaing may folate ay kinabibilangan ng broccoli, green leafy vegetables, cauliflower, brown rice, nuts and seeds at breakfast cereals.

BIFIDA

BIHIRANG

DAPAT

DAPITAN ST. SAMPALOC MANILA

DR. ELICA

KARAMIHAN

MAAARING

MARAMING

NANGYAYARI

SPINA BIFIDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with