^

PSN Opinyon

World TB Day

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

TUWING Marso 24 ay inoobserba ang World TB Day upang palaganapin ang impormasyon tungkol sa tuberculosis at kung paano ito maiiwasan.

Marso 24, 1882 nang nadiskubre ni Dr Robert Koch      ang microorganism na TB bacillus. Dahil sa kanyang disco-very ay napag-alamang ang TB ay malaking problema na ng mundo mula pa noong ancient times base sa traces ng TB bacillus na nakita sa mga sinaunang tao. Sa pamamagitan din nito ay napag-aralan ang mga salik na nagdudulot ng TB at kung paano ito maiiwasan at magagamot.

Pero sa kabila ng pagkakadiskubre sa TB bacillus, marami pa rin ang nagkakasakit at namamatay hanggang ngayon.

Ayon sa World Health Organization (WHO), umabot na sa humigit-kumulang na 2 bilyong tao ang apektado ng TB bacillus. Walong milyon ang nadadagdag taun-taon sa hanay ng mga may TB at average na 4,800 sa mga ito ang namamatay kada araw.

Dito sa ating bansa, TB ang ika-anim sa mga sakit na dumadapo sa mga Pilipino at ikaanim din sa mga sakit na nagiging dahilan ng kamatayan. Hindi umano bababa sa 129,000 katao ang dokumentado at kumpirmadong may TB sa Pilipinas, kung saan ay 75 sa mga ito ang namamatay sa nasabing sakit kada araw.

Iginiit ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang agad na pagpapatibay sa kanyang Senate Bill Number 630 (Comprehensive Tuberculosis Elimination Act.

Ilan sa mga probisyon ng panukala ay 1) Free laboratory monitoring of TB cases; 2) Free medicines supply to patients; 3) Establishment of Regional Centers for TB Control and Treatment; 4) Research and training at 5) Public information and education programs.

* * *

Birthday greetings: Bishop Sebastian Dalis (Marso 25) at dating Senate President Manong Ernie Maceda (Marso 26).

vuukle comment

BISHOP SEBASTIAN DALIS

COMPREHENSIVE TUBERCULOSIS ELIMINATION ACT

CONTROL AND TREATMENT

DR ROBERT KOCH

ESTABLISHMENT OF REGIONAL CENTERS

MARSO

SENATE BILL NUMBER

SENATE PRESIDENT MANONG ERNIE MACEDA

SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE JINGGOY EJERCITO ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with