TOMORROW, March 23, 2012 (Friday), dakong alas - 6 ng gabi sa Victoria Cockpit Arena, Victoria, Mindoro Oriental, nakakasa ang 3 cock derby ni Atty. Biyong Garing, promoter, kaya naman iniimbitahan niya ang mga sabungero na dayuhin ang kanyang pasabong.
Sabi ni Biyong, may 5,500 pot money, P5,500 minimum bet.
Bida ni Biyong, ang desired weight 1,800 - 2,400 kgs pero bawal ang mga panabong na ‘kinulayan.’
Prize - open, handler P10,000 at gaffer P5,000.
Maaring tumawag kay Ted Dagdagan sa telepono 0999-357-1584 para sa submission of weights and cockhouse reservation.
Ka Amang Sabino, 56
HUMIHINGI ng despensa ang mga kuwago ng ORA MISMO, dahil hindi nakasipot the other night ang mga ito sa 56th Birthday party ni Ka Amang Sabino, na ginawa sa bahay nito sa Tanza, Navotas City.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, grabe as in grabe ang naging celebration ni Ka Amang dahil hindi birong bisita ang nagsipunta sa kanyang kaarawan kahit si Navotas City Mayor John Ray Tiangco at ang pilantropong si Gerald Uy ay dumating sa nasabing okasyon.
Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagbaha ng mga inumin at katakut-takot ang tsibugan noong Tuesday.
Ka Amang, sorry mula sa puso ng mga kuwago ng ORA MISMO sa hindi nito pagdalo.
Mabuhay ka !
Building permit pinipitsa sa Kyusi
SINABI ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may grupo ng mga sindikato sa Quezon City hall ang umiikot para kunan ng malaking halaga ng salapi ang mga nagpapagawa ng mga haybol at gusali sa Kyusi pero ang pera para dito ay ibinubulsa na lamang ng mga bugok kaya kawawa ang city government dito.
Nagtataka ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil maraming haybol ngayon ang ginagawa sa Kyusi pero walang mga building permit ang naka-display sa mga construction area.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat anya ang mga burungoy kupitan ang siyang mag-report sa city government para sa mga kagaguhang pinaggagawa ng mga sindikato pero up to now ay dehins sila umaaksyon.
Bakit kaya?
Baka kasama sa tara ng mga sindikato.
Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bago umaksyon ang project engineer sa itatayong gusali ay dapat kumuha muna ito ng barangay permit at building permit para maging legal ang kanilang ginagawa.
Kailangan malaman ito ng city government para ang mga inspector sa building permit ay mag-ikot sa mga establishment na ginagawa sa ngayon dahil kung hindi, kawawa naman ang koleksyon ng gobierno sa Kyusi.
Abangan.