^

PSN Opinyon

'Iniwan sa kama'

- Tony Calvento -

BAGAMA’T apat na araw pa lang silang mag-asawa, nagsakripisyo silang pareho at nagdesisyon ng alam nilang makabubuti para sa kanilang pamilya.

Nagsadya sa aming tanggapan si Maricel Maraya o Cel, 35 taong gulang ng Caloocan City.

Kinabukasan aalis na ang kanyang asawang si Arnold “Sadik” Maraya, 31 anyos. Wala silang pinalampas na sandali nung bisperas ng kanyang paglipad. Halos hindi sila magkahiwalay. Sa comedor, sa sala, pati na rin sa pagligo ay magkasama sila. Higit sa lahat, halos hindi na sila natulog ng gabing yun. Nagbabaga ang kama.

Kung kaya lang pigilin ni Cel ang pagdating ng umaga iuutos niya sa haring araw na bawal siyang sumikat ay gagawin niya yun subalit ang umaga ay dadating kahit anong iyong gawin. Kaya nakita niya ang kanyang sarili sa may ‘departure area’ ng ‘airport’.

Bago tuluyang mawala si Sadik papasok sa ‘check-in area’ lumingon pa itong muli, ngumiti at kumaway.

“Parang isang litratong kinunan ang sandaling iyon. Nakangiti siya kumakaway at punong-puno ng pag-ibig para sa akin,” wika ni Cel.

Tahimik ng namumuhay si Cel matapos ang isang mapait na relasyon kung saan iniwan siya ng kanyang dating kinakasama pati na rin ng apat nilang anak mula taong 2009. Seafood vendor si Cel sa Seaside, Macapagal.

Taong 2010, naging reliever bilang sekretarya sa Camellia Food Inc. Manufacturing sa Cubao si Cel. Drayber naman si Sadik dito.

Hindi maiwasang naging madalas ang kanilang pagkikita.

Lagi silang tinutukso ng mga kasamahan. Pareho kasi silang hiwalay sa mga dating kinakasama. May isang anak si Sadik na nasa ibang bansa.

Nanligaw si Sadik kay Cel. Hindi naman naniwala itong babae sa kanya, “Apat na ang anak ko. Walang seseryoso sa akin. Tigilan mo na ko!” sabi nito.

Tinuloy pa rin ni Sadik ang panliligaw. Hanggang bumalik na ang sekretaryang pinalitan ni Cel. Ilang linggo ang nagdaan hindi na namataan ni Sadik si Cel sa opisina. Sinabi ng katrabahong tapos na ang kontrata niya dito.

Hinanap ni Sadik si Cel. Natunton niya ang bahay nito sa Caloocan.

“Hello Cel… kamusta?” nakangiting sabi ni Sadik habang nakatayo sa pinto. Nagulat si Cel, “Oh! Anong ginagawa mo dito?”

Umakyat ng ligaw si Sadik sa bahay. Naging sila ika-31 ng Enero 2011. Sa maikling panahon, naging mainit ang kanilang relasyon. May nangyari sa kanila.

Buwan ng Pebrero nagulat na lang si Cel dahil may bitbit ng mga damit si Sadik. Dun na daw siya titira.

Hindi pinansin ni Cel si Sadik. Akala niya biro lang ang lahat subalit kinagabihan dun na ito natulog. Hindi na ito umuwi.

Tinapat ni Cel si Sadik, “Ikaw ba seryoso ka sa ginagawa mo? Alam mo kung mag-aasawa din naman ako ulit…gusto ko ng ikasal na ako.”

Hindi naman umimik si Sadik. Parang wala daw itong narinig.

Mayo 2011, nagdesisyon si Sadik na bumalik muli sa Riyadh, Saudi Arabia. Sa tulong ng ahensyang M&P Employment Inc. Ermita Manila inayos ang mga papeles niya. Dump truck driver ang magiging trabaho niya sa Al Shaikan.

Ika-12 ng Agosto 2011, apat na araw bago umalis ng bansa si Sadik pinakasalan niya si Cel sa Santuario de Santissima Trinidad. Kinasal sila ni Bishop Ricardo C. Dela Cruz Jr.  

“Ayaw ko siyang umalis pero kahit papaano napanatag ang loob ko dahil kasal na kami,” pahayag ni Cel.

Araw-araw nagte-text at tumatawag si Sadik sa misis. Nakapagpadala siya ng perang nagkakahalagang Php6,180 nung buwan ng Oktubre at Php9,000 nung Disyembre. Lahat ng ito pinambayad naman ni Cel sa mga inutangan niya para sa ‘processing fee’ ng mister.

Enero 2012, bigla na lang nagbago ang lahat. 

“Hon… papaano kung bigla akong madisgrasya dito?” tanong ni Sadik.

Sasagutin pa lang ni Cel ang asawa naubos ang ‘load’ niya.Naputol ang linya. Tinext niya si Sadik, “Bakit ganyan ang iniisip mo? Di ba sabi ko sa’yo mag-iingat ka diyan?” Walang reply na nakarating sa kanya.

Ito ang huling pag-uusap ng mag-asawa. Nakapatay na ang mga cell phones ni Sadik, kung may bukas man hindi naman ito sinasagot.

Nagpatulong si Cel sa M & P para makausap ang asawa. Tinawagan ng H.R Manager na si Ms. Lorna Pinales si Sadik. Sumagot naman ito. Pinasa ni Lorna kay Cel ang telepono. “Hon… bakit di ka tumatawag?” tanong ni Cel. Sagot ng mister, “Hon, bawal ang cp ngayon. Hon…mamaya ka na tumawag please!”Sa tono ng pananalita ni Sadik parang ayaw siya nitong kausap. Bago ibaba ang telepono tanong niya, “Hon? Okay pa ba tayo?”

 “Oo, okay pa. Tawag ka na lang mamaya please!” pakiusap ng mister.

Tinawagang muli ni Cel si Sadik subalit nakapatay na ang tele­pono nito. Hindi siya tumigil. Pagtawag niyang muli babaeng ibang lahi na ang sumagot.

“Who are you? Speak to me in English. I can understand…” sabi ni Cel.

Pinatayan siya ng telepono. Nag-iiyak na si Cel. Tinawagan niya ang ibang numero ni Sadik. Isang Pinoy naman ang kanyang nakausap. Ayon dito, walang Sadik dun. Ito ang dahilan ng pagpunta ni Cel sa aming tanggapan.

Itinampok namin sa CALVENTO FILES sa radyo ang “Hustisya Para Sa Lahat ng DWIZ 882 KHZ (tuwing 3:00-4:00 ng hapon) ang istorya ni Cel.

Tinawagan namin si Lorna ng M&P Employment Inc. tinanong namin ang kundisyon ni Sadik. Ayon sa kanila, si Sadik mismo ang nagsabing maayos ang kanyang kalagayan dun. Maaring si Sadik lang ang ayaw makipag-usap kay Cel.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, kung susuriing maagi parang tinataguan na siya nitong si Sadik. Paanong mangyayaring nung tumawag ang agency nasagot ito ni Sadik at nakausap si Lorna. Kapag si Cel naman ang tumatawag iba ang sumasagot. Hindi namin para pangunahan si Cel na maaring iniwan na siya nitong lalake subalit sa kinikilos ni Sadik, hindi malayong tinaguan na siya. Maari ding ginamit lang siya ni Sadik para makapuntang muli sa Saudi. Tumira sa kanya, siya ang umutang para ipambayad sa ahensya na sa kabilang banda binayaran din naman ni Sadik.

Kung siya’y iniwanan na at nabalitaan niyang bumalik na dito si Sadik, maari niya itong sampahan ng kasong R.A 9262(Violence Against Women and Children).

Para sa lubusang tulong, nakipag-ugnayan din kami kay Usec. Rafael Seguis ng Department of Foreign Affairs. Ibinigay namin ang impormasyon ni Sadik nang sa ganun, malaman ang tunay na sitwasyon niya sa Saudi.

Bilang pagtatapos, mahirap tanggapin ng isang babae na basta na lamang iniwan siya ng isang lalake na kinupkop niya, nagmahalan sila at nagpahayag ng pag-ibig sa pamamagitan ng pagpapakasal.Ang kinakatakot niya na baka kung ano na ang nangyari kay Sadik dahil hindi siya makapaniwala na maaring gawin sa kanya yun na iwan na lang siya sa ere.(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) Ang aming numero 09213263166 / 09198972854. Landline 6387285 at 24/7 hotline 7104038. Address, 5th floor City State Centre bldg. Shaw Blvd. Pasig Lunes-Biyernes.

Follow us on twitter: Email: [email protected].

CEL

LANG

LORNA

NIYA

SADIK

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with