Pasay officials kinasuhan

SINAMPAHAN pala ng  kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act sa Office of the Ombudsman sina Pasay City Mayor Antonio G. Calixto, at Vice Mayor Marlon A. Pesebre ng Pasay City dahil sa  maanomalyang pagpapaupa sa Pasay City Mall.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Kasama sa mga kinasuhan ng paglabag sa Sec. 3 (e), (g), (i) at (j) ng R.A. 3019, ay ang mga konsehal na sina Richard M. Advincula, Mary Grace B. Santos, Lexter N. Ibay; Eduardo I. Advincula, Alberto C. Alvina, Pinky Lyn I. Francisco, Ileana N. Ibay, Editha V. Vergel de Dios, Arvin G. Tolentino, Ian P. Vendivel, Reynaldo O. Padua, Bryan Kristiann P. Bayona, Ma. Antonia C. Cuneta at Richard C. Roxas.

Sabi ng nagsumbong na si Pamela Ann Paredes-Bautista ng Inocencio St., Pasay City, inapura daw ng Sangguniang Panlungsod ang proseso upang agad na mai-gawad ang kontrata ng pagpapaupa sa Pasay City Mall sa Widescope Property Management Corporation.

Ang nasabing proseso ay umabot lamang ng 12 araw.

Naku ha!

Totoo kaya Ito?

Ang problema pa daw ay walang nangyari public bidding para sa pagpapaupa ng mall.

Sumbong pa ng complainant, naging “disadvantageous” sa pamahalaang panlungsod ang nasabing pagpapaupa dahil sa nakaraang mga taon, ang Pasay City Mall ay kumikita ng mahigit P2 milyon kada buwan.

Habang ang lease contract sa Widescope ay P900,000 lamang kada buwan sa loob ng 15 taon. Ito ay magbibigay lamang ng kabuuang P13,500,000 sa pamahalaang lungsod.

Idiniin ng complainant na ang kasalukuyang kontrata ay “manifestly and grossly disadvantageous” sa Pasay City Government na maaaring malugi ng P1,100,000 kada buwan o umaabot sa P16,500,000 sa loob ng 15 taon.

Gusto ng  complainant na agad mapatawan ng preventive suspension ang nasabing mga opisyal ng lungsod.

Praise release ng BI

MUKHANG nagpapalapad ng papel Ang Bureau of Immigration dahil nag-release ito ng balitang maghihigpit sila as MBA puma parson na drug mule as Philippines my Philippines gamit ang NAIA.

Sunud-Sunod mask Ang Julian ng MBA drug mule as airport na trabaho ng PDEA at customs people as paliparan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang nangyayaring hulihan shabu sa NAIA ay bunsod ng Interpol information abroad.

Sabi nga, tip!

Kaya papaano makakahuli o matitiktikan ng immigration ang drug mule?

Mas mainam kung mag concentrate na ikang ang mga bright immigration official sa mga nakakapugang banyaga na custody na nila.

‘Bakit na nakakapuga ang mga huli na nilang foreigners?’ tanong ng kuwagong nabukulan.

‘Money, money ang dahilan’

‘May nakikinabang na?’

‘Kapos ang kolum ng Chief Kuwago sa susunod na issue’

Abangan’

Show comments