Mga insidente ng sunog
KAMI ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ay nababahala sa nangyayaring mga sunog. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), sa Metro Manila pa lang ay umabot na agad sa mahigit 60 sunog mula Marso 1. Itinuturing na pinakagrabe sa mga ito ay ang sunog sa Ever Gotesco Grand Central Mall sa Caloocan City noong Biyernes na umabot pa nang hanggang Sabado ng gabi bago tuluyang naapula.
Taun-taon napakaraming nangyayaring sunog at kadalasan ay nagdudulot ng mga pagkamatay at matin-ding pinsala sa ari-arian.
Noong Marso 2011, 381 ang naitalang sunog. Ang pinakamaraming sunog na naganap ay noong 2006 kung saan 8,823 ang naitala at may 271 tao ang namatay at ikinasugat ng 596 at ang halaga ng pinsala ay umabot sa P3.2 bilyon.
Inoobserba ngayon ang “Fire Prevention Month” alinsunod sa Presidential Proclamation No. 115-A. Itinaon ng Marso dahil sa ganitong buwan nagsisimula ang ma-tinding tag-init pero siyempre, buong taon tayo dapat nag- iingat hinggil dito, kasabay ng pagpapataas pa ng kakayahan ng ating mga otoridad sa pagpuksa ng sunog.
Kaugnay nito, patuloy na ipinupursige ni Jinggoy ang Senate Bill Number 570 (Fire Protection Modernization Act) na magpapalakas sa kapasidad ng ating pamahalaan sa pagresponde sa sunog.
Kabilang sa mga probisyon ng panukala ay ang pagbili ng mga modernong kagamitan sa paglaban sa sunog, advanced training ng mga tauhan ng BFP at pagtatatag ng mga fire response operation center na nakabase mismo sa mga lokal na pamahalaan para sa mabilis na pagresponde sa mga insidente ng sunog sa kanilang lugar na nasasakupan.
* * *
Birthday greetings: Senator Pia Cayetano (March 22).
- Latest
- Trending