Bulok na justices
GRABE na talaga ang ating justice system kaya’t marami sa mga kababayan natin ang humahanap ng ibang sistema upang makamtan ang hustisya.
Kasama na rito ang kuwento ko tungkol sa tatlong miyembro ng Court of Appeals na aba’y super bilis magbasa at sa loob ng iilang araw ay kayang-kaya nilang basahin ang daang pahina ng mga dokumento, ebidensiya, sagutan ng mga abogado ng magkakabilang panig sa loob ng ilang taon.
Lahat pa ng pinaiiral na patakaran ng Korte, binabaluktot kaya tuloy naniniwala tayo sa kasabihan na ang mga abogado ang baluktot ay tinutuwid pero ang tuwid binabaluktot.
Pasensya na ho sa mga abogado pero totoo naman ito lalo na at ang mga ito ay mas kilala bilang mga abogago.
Ayon kay Atty. Nonnatus Chua ng Steel Corporation of the Philippines, ang Special Fourth Division ng Court of Appeal sa pamumuno ni Justice Rebecca de Guila Salvador at sina Justices Normandie Pirarro at Ramon Bato Jr. ay maraming ginawang shortcut at iregularidad kaya napilitan na silang magsampa ng formal na reklamo laban sa kanila.
Bagay na mahirap gawin ng abogado dahil alam naman natin na maiipit sila nang husto lalo na’t hindi lang naman ang kliyenteng pinaglalaban nila ang tanging hahawakan nila.
Pero ano ang magagawa nila. Sagad na sagad na raw ang mga pagkiling ng tatlong justices sa kalaban nila sa dahilang halatang-halata naman.
Ang isa sa kanila na bagong assign sa kaso ay kayang tapusin ang review at kung anu-ano pang kailangang pag-aralan mula sa isang kasong taon ang binilang mula pa sa Regional Trial Court hanggang umabot sa Court of Appeals ay tinatapos ito at dinidesisyunan sa loob lamang ng limang araw, aba obvious na ito ay fastbreak.
Tanong ko lamang, ano kaya o magkano, oops, sorry ang dahilan? Tatanong lamang po Your Honors.
* * *
Para sa anumang reaksyon o suhestiyon text e mail sa nixonkua@ymail.com
- Latest
- Trending