^

PSN Opinyon

Hindi kilala ang ama

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

ANG kasong ito ay may kinalaman sa pagtatama ng civil registry (ang ahensiya ng gobyerno na nagsusulat ng nilalaman ng birth certificate) at ang nagiging epekto nito sa pangalan ng nakarehistro. Tanggap natin sa batas ang pagtatama ng tinatawag na “clerical mistakes” sa pagkakasulat sa apelyido ng magulang, sa kanilang trabaho, o mga pagkakamaling kitang-kita at halatang dala lang ng pagkakamali sa pagkopya.

Ang tanong ngayon ay ganito, paano ang trato sa pagbabago sa nakasulat na impormasyon tulad ng pagbubura ng salitang “hindi kilala” para sa pangalan ng magulang at papalitan ito ng pangalan ng tunay na tao bilang diumano ay magulang?

Si Leonardo R. Cruz, isang biyudo na nakatira sa Metro Manila. Ipinanganak siya noong 1920 sa Pampanga. Noong makakuha raw siya ng kopya ng kanyang birth certificate noong 1975 sa civil registrar ng Pampanga ay nagulat siya nang makita na ang pangalan niya na nakasulat ay “Leonardo Reyes” at sa detalye naman para sa pangalan ng ama, ang nakasulat ay “Unknown” o hindi kilala. Ayon sa kanya ay mali ang mga nakasulat na detalye. Mula sa pagkabata niya hanggang pagtanda ay nakilala na siya bilang Leonardo R. Cruz at nang pabinyagan siya sa Manila, ang pangalan ng kanyang ama ay Dominador Cruz.

Dahil sa mga maling entrada sa kanyang birth certificate at dahil daw balak niyang pumunta sa ibang bansa, nakikita na niyang marami siyang magiging problema sa kanyang pasaporte at visa. Kaya ang ginawa niya ay nagpetisyon sa korte para hingin na utusan ng hukuman at bigyang awtorisasyon ang civil registrar na palitan ang pangalan niya mula “Leonardo Reyes” ay gawin na “Leonardo R. Cruz” at burahin ang “unknown” o hindi kilala para sa pangalan ng ama at ang isulat ay “Dominador Cruz”. Uubra ba ang petisyon niya?

 

HINDI. Ang pagtatama sa detalye ng birth certificate na hinihingi ni Leonardo ay hindi lang simpleng pagpapalit ng pangalan. Sa katunayan, inamin naman niya na anak siya sa labas ng nasirang Dominador Cruz. Mula sa inamin niya, halata na ang layunin niya sa pagsasampa ng petisyon sa korte ay upang, pagkatapos ng 60 taon na pa­ nanahimik, ay magawa niya sa hindi direktang paraan na mapatunayan ang koneksyon niya bilang anak ng namatay na si Dominador Cruz. Ito ay sa pamamagitan lang ng simpleng pagpapalit ng mga detalye ng kanyang birth certificate at tuloy ay mabig­yan siya ng karapatan na ma­kapaghabol ng mana. Maga­ling pero talagang hindi ito puwede (Republic vs. Bartolome, 138 SCRA 442).

CRUZ

DOMINADOR CRUZ

LEONARDO R

LEONARDO REYES

METRO MANILA

NIYA

PANGALAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with