KAMI ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ay naniniwalang napa-kahalaga at kailangan ang tamang paghubog sa mga kabataan simula pa lang sa murang edad.
Ito ang layunin ng Senate Bill 2802 o “An Act recognizing the early years from zero to six as the first cycle of educational development and strengthening early childhood care and development….” na mas kilala sa tawag na “Early Years Act (EYA)” kung saan isa siya sa mga pangunahing nag-akda.
Ayon kay Jinggoy, “These early years are the formative years of children, and constitute the critical stage to their brain, personality and over-all development. Hence, utmost importance, attention and support should be given in training them during these years.”
Itinatakda ng panukala ang pagpapatupad ng Natio-nal System for Early Childhood Care and Development (ECCD) na magtitiyak ng “full health, nutrition, early education and social development programs” para sa mga bata. Saklaw din ng ECCD ang pagtitiyak ng mga programang pangkalusugan para sa mga ina mula sa panahon ng kanilang pagbubuntis hanggang sa mga unang taon ng pangangalaga nila sa kanilang anak.
Dagdag niya, “This measure will definitely promote and ensure enough support to children’s full development, with due recognition of the nature and special characteristics of childhood and its special needs; as it will likewise operationalize support mechanisms for pa-rents in their performance of their roles as primary caregivers and as their children’s first teachers.”
Iginiit ni Jinggoy na kailangang iprayoridad ng pamahalaan ang pagsasagawa ng mga hakbangin para sa paghubog ng mga kabataan sa kanilang murang edad pa lang, na magiging pundasyon tungo sa kanilang paglaki bilang mga produktibong mamamayan. Ito aniya ay isang napakahalagang “people-orien ted investment” para sa mga kabataan bilang mga susunod na lider ng ating bansa.
* * *
Happy birthday: Bishop Jose Paala Salazar at POEA Administrator Hans Cacdac (March 13); Bishop Florentino Ferrer at Senator Greg Honasan (March 14); at Bishop Ramon Villena at Bishop Antonio Ranola (March 16).