^

PSN Opinyon

Ang mga ipokrito at mayabang

Panaginip Lang -

PINAG-UUSAPAN nitong mga nakaraang mga araw ang isyu tungkol sa mining. Marami ang tumututol dito, kasama na ng ilang mga lider ng simbahan. Panukala nila ay total mining ban. Ayaw nila ng kahit na anong uri ng pagmimina. 

Naisip ko tuloy kung handa ba silang hindi gumamit ng kutsara, tinidor, kutsilyo at iba pang mga ginagamit sa pagkain. Handa rin ba silang magluto na gamit lamang ay mga palayok. 

Ready na rin ba sila na hindi gumamit ng cell phone na may parts din na galing sa mina, mga relos nila o pati mga alahas. 

Tantanan nila ang pagiging ipokrito, ang importante sa pagmimina ay responsible mining gaya ng Australia at ibang mauunlad na bansa. 

Responsible mining at pagpapatigil ng small scale mining ang dapat gawin ng pamahalaan. 

* * *

Saksakan ng yabang itong Cabinet member na ito na hindi raw siya kaya palitan ni President Benigno “Noynoy” Aquino III kahit na raw hindi siya lumusot sa Commission on Appointments ng Senado at Kongreso.  

Matindi raw ang mga backer niya, lalo na ang isang malaking religious group na pupuwersa raw sa mga senador at kongresista na palusutin siya. Kung hindi naman daw siya lulusot, tiyak niya raw na “ire-reappoint” lamang daw siya ng Malacañang.”

Saksakan ng yabang ang taong ito at patuloy na namamayagpag sa kanyang posisyon kahit na patuloy siyang kinokontra nang maraming mga gobernador, ilang senador at kongresista dahil sa kalat na kalat na pangunguwarta niya. 

Siyanga pala, pinagya-yabang niya rin na meron siyang hinahatian ng kita niya kahit na alam ng lahat ng soloist siya at nuknukan ng suwapang. 

Naniniwala akong kayabangan niya lamang ang lahat ng ito at sana ay tama ako. Isa siyang kasiraan sa administrasyon ni P-Noy. 

* * *

Para sa anumang re­aksyon o suhestiyon, e-mail sa [email protected]  

vuukle comment

AQUINO

AYAW

HANDA

ISA

KONGRESO

MALACA

PRESIDENT BENIGNO

SAKSAKAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with