'Sagot ng Manila City Hall-CHAPA'
ISANG liham ng kasagutan ang natanggap ng BITAG hinggil sa kolum ko noong Marso 2 na may pamagat na “Huwag n’yo kaming gawing panakot!”
Dalawang personalidad ang tinawagan ko ng pansin hinggil sa paggamit ng pangalan ko at ng programang BITAG upang makapanghuthot.
Itong linggong ito, agad nagpadala si Maj. Mar Reyes ng Manila City Hall, CHAPA ng kanyang kasagutan sa alegasyon ng may-ari ng Marina Mansion sa U-Belt.
Ang panghihingi umano ni Hepe ng P10,000 upang huwag nang gambalain ng BITAG ang kanyang motel na katabi ng mga unibersidad sa Maynila.
Sa ngalan ng patas na pamamahayag, narito ang ilang parte ng liham ni Major Reyes sa BITAG:
“I wish to inform you that the information relayed to you by the alleged owner of Marina Mansion, is just a pure lie merely designed to discredit, besmirch and tarnish my reputation as policeman engaged in the lawful performance of duty.”
“I strongly deny this accusation for being baseless and devoid of truth. If there is someone truly extorting money from them, I am very willing to cooperate for the conduct of entrapment operation to catch and apprehend this impostor-extortionist dragging my name as well as of BITAG of this nefarious trade”.
“I regret any inconvenience you have experienced when you heard such information involving you and your program BITAG. Although my name and reputation was already besmirched and tainted of this allegation, I thank you for taking time in informing me of this issue and hoping that this letter will merit publication in your column to correct the misimpression that I suffered as a result thereof.”
May kapakumbabaang sinagot ni Major Reyes ang alegasyon at tinatanggap ito ng BITAG. Alam naming hindi lamang ito ang trabahong pagsasamahan ng ating grupo.
Kung parehong nagamit man ang pangalan namin ni Major Reyes at ng aking programa sa baluktot na gawaing ito, lalabas din ang katotohanan. May paraan ang BITAG sa mga bagay na tulad nito.
Bukas ang aming mga kamay na makipagtulungan, masilo lang ang mga hinayupak na gumagamit ng aking pangalan at ng BITAG. Wala akong sasantuhin!
- Latest
- Trending