^

PSN Opinyon

Seryoso kaya si P/CSupt. Mario dela Vega

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

SERYOSO kaya itong si Quezon City Police Department director P/CSupt. Mario dela Vega na puksain ang mga masasamang elemen­to katulad ng riding-in-tandem, carnappers, illegal drugs and gambling operation sa namamahong lungsod ng Quezon? O baka naman gusto lamang niyang mapalapit sa mga kabaro ko upang makaiwas sa pagtuligsa. Kasi nga noong Martes pinulong niya ang mga pang-araw na opisyales at miyembro ng QCPD Press Corps sa pangunguna ni Almar Daquilan sa kanyang opisina upang ilatag ang kanyang plataporma. Naging mabunga naman ang pinag-usapan nina Dela Vega at QCPDPC group matapos na magkasundo na magtutulungan ito sa lahat ng police activities upang manumbalik ang katahimikan ng lungsod.

Ayon kasi kay Dela Vega “Pag may pangyayari, dapat na ang pulis may aksyon na gagawin para matulungan ang mga apektado” at laan umano ang kanyang tanggapan sa trans­parent policy upang madaling maiparating sa mamamayan ang kaganapan. Tama lamang itong tumilamsik na laway mula sa labi ni Dela Vega na sa aking pakiwari, dahil isang damukal na unsolved crime ang iniwan sa kanya ni P/CSupt. George Regis. Kasi noon, naging mahigpit umano itong si Regis sa pagbibigay ng budget sa kanyang mga kapulisan kung kaya’t tinamad na mag-follow-up ang mga kapulisan kaya’t tuloy binansagan itong QCPD na target ng riding-in-tandem. Paano nga naman uusad ang operation kung kahit na panggasolina sa mga patrol car ay palaging said. Subalit mukhang nais talaga ni Dela Vega na makatulong sa mga mamamayan ng Quezon City kung kaya’t hiniling nito ang ayuda ng QCPDPC upang mapadali ang pagsambot sa mga impormasyon sa mga kriminal. Alam kasi ni Dela Vega na malaki ang nagagawa ng mga kapatid ko sa hanapbuhay sa panga­ngalap ng impormasyon kaya’t kusa siyang lumapit. Tama lang ’yan director Dela Vega dahil kung maaksyon ang inyong kapulisan tiyak naman namin na magiging newsmaker ka sa aming mga kompanya.

Samantala, ang Manila Police District Press Corps ay magka­karoon ng Annual Election para sa mga bagong Set of Officer ng 2012-2013. Ito’y upang lalong mapagbuti ang samahan ng radio, television at print media. Kunsabagay, malaki na ang ipinagbago ng MPDPC mula noong August 2011 at sa tantiya ko lalo pang magiging maunlad ang pagsasama sa hinaharap kung ang papala­ring bagong set of officers ay magiging aktibo. Kabilang po sa mga project na naisagawa ng mga officer ng 2011-2012, ang kauna-unahanag Medical Mission na kung saan mahigit sa 1,000 kapulisan ng MPD at mga kapuspalad naming kababayan sa paligid ng MPD headquarters ang nabiyayaan ng libreng gamot at konsul­tasyon sa pakikipagtulungan ng UNTV. Ang renovation ng buong press office kabilang na riyan ang paglalagay ng mga bagong lockers sa mga miyembro, upgraded ng internet upang mapabilis ang pag-transmit ng mga larawan at news articles sa kinaanibang publication, ang pakikipagharap kay PNP chief P/DGen. Nicanor Bartolome, NCRPO chief P/Dir. Alan Purisima at dating MPD director P/CSupt. Roberto Rongavilla ang nakatakdang sub-meter ng kuryente ng press office na sa kalaunan ay mapapayag ito na sagutin na nila ang lahat ng gastusin, at higit sa lahat­, ang pagkakaroon ng sariling kusina na malaking tulong upang makapagluto ng malinis na pagkain. Kaya’t mga kapatid nasa inyo ang desisyon para sa ating samahan. Mabuhay tayong lahat!

ALAN PURISIMA

ALMAR DAQUILAN

ANNUAL ELECTION

DELA

DELA VEGA

GEORGE REGIS

KASI

MANILA POLICE DISTRICT PRESS CORPS

UPANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with