^

PSN Opinyon

Solusyon sa init ng panahon

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

MATINDI ngayon ang init ng panahon. Minsan sobrang init, minsan uulan. Maraming tao ang nagkakasakit dahil dito, lalo na iyung may high blood, diabetes at mga matatanda. Mayroon na ngang namamatay dahil sa tindi ng init.

Kaibigan, sundin ang mga payong ito para malabanan ang init. Ikuwento kay lolo, lola, tatay at nanay ang mga tips na ito.

1. Manatili sa loob ng bahay o isang gusali mula 10 a.m hanggang 4 p.m. Kung puwede, mag-aircon o pumunta sa mall. Huwag na huwag magpabilad sa araw.

2. Magsuot ng puti at manipis na baro. Nakaiiwas ng init ang puting baro. Puwedeng mag-sleeveless o mag-short pants. Presko rin ang cotton at linen na tela.

3. Magsuot ng sombrero o magdala ng payong para makaiwas sa araw. Kapag nasa kotse, maglagay ng takip sa salamin para hindi pumasok ang init.

4. Magbaon ng Iced water. I-freeze ang bote ng distilled water o magdala ng yelo sa plastic. Ilapit lang ito sa katawan (para lumamig ka) at inumin ng pakonti-konti buong araw.

5. Uminom ng 10-12 basong tubig sa isang araw. Kailangan ay manatiling maputi ang kulay ng iyong ihi. Kapag madilaw na ang ihi, ang ibig sabihin ay kulang ka na sa tubig. Huwag uminom ng kape, softdrinks o alak. Hindi ito nakatutulong sa katawan. Lalo ka lang mauuhaw at makukulangan ng tubig.

6. Uminom ng buko juice at kumain ng pakwan. Itong dalawang prutas ang magpapabuhay sa atin. Napakaganda ng tubig ng buko at pakwan. Pareho itong alkaline water.

7. Mag-break sa trabaho. Kung puwede, magpahinga at magpalamig ng 45 minutes sa gitna ng iyong trabaho. Habang may break, uminom ng iced melon at iced sago. Kumain ng halo-halo at mais con yelo. Sa mga may edad, kalaha­ting araw na lang ang ipasok.

8. Huwag mag-ehersisyo. Kung gusto mag-exercise ay dahan-dahan lang. Mahina ang ating katawan kapag mainit. Baka ka ma-dehydrate. Ang gusto kasi ng katawan ay ang temperaturang 25 degrees. Ngunit pag-summer ay 36 degrees sa Pilipinas.

9. Kumain nang maraming beses pero pakonti-konti lang. Ito ang sikreto para mapanatili ang lebel ng asukal sa ating dugo. Kumain bawat 3 oras ng pakonti-konti. Kapag mainit at mababa pa ang iyong blood sugar, baka ka mahilo at magkasakit.

10. Magpahinga at matulog. Maghanap ng isang pinakamalamig na lugar sa inyong bahay. Lagyan ito ng madilim na kurtina o takpan ang bintana. Maglagay ng electric fan, air cooler o air-con. Huwag muna gaano magtrabaho habang mainit. Tandaan, pangalagaan ang temperatura ng katawan habang paiba-iba ang panahon. Mag-ingat po!

HABANG

HUWAG

IKUWENTO

ILAPIT

INIT

KAPAG

KUMAIN

MAG

MAGSUOT

UMINOM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with