^

PSN Opinyon

'Tips sa pagtataas ng inyong credit card limit'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

SA mga credit card holder, narito ang ilang pamantayan at tamang proseso mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas. Basahing maigi upang hindi mabiktima ng mga sindikato ng credit card fraud.

Sa proseso ng pagtataas ng credit limit, una; Ipapaalam ng banko kung qualified ang credit card holder na itaas ang kanyang credit limit, karaniwan ay sa pamamagitan ng sulat kasama ang bank statement nito.

Ikalawa; walang representante ang banko na pupunta sa inyong bahay o trabaho upang iproseso ang pagtataas ng credit card limit, hindi ito gawain ng mga banko. Magduda na sakaling may nagpakilalang taga-banko na dumating sa inyong bahay o opisina.

Ikatlo, walang bayad kapag itataas ang inyong credit limit kahit na credit holder pa ang nag-apply nito.

Ikaapat, ang mismong card holder ang gugupit ng kanyang credit card kung meron nang bago o replacement ito na ipinadala ng banko kung saan, tinaasan na ang kanyang credit limit.

Muli, walang sinumang representante ng banko ang kukuha sa inyo ng mga luma o ginupit na credit card o personal na magdadala sa holder ng kanyang bagong card.

Ipinapadala ang bago at replacement card sa pamamagitan ng courier lamang.

Ikalima, hindi isinu-surrender sa banko o kahit kanino ang lumang credit card, mapa-expired man ito o may replacement. Nasa pangangalaga na ito ng card holder.

Paalala ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ang credit card ay may kaukulang responsibilidad. Hindi ito pribilehiyo ng kahit sino, hindi maaaring ipaubaya at ipagamit sa ibang tao.

Responsibilidad ng ba-wat credit card holder na-i-safe keep at ingatan ang kaniyang credit card. Anuman ang mangyari sa inyong card, may pananagutan kayo sa banko na dapat bayaran.

Babala ng BITAG, anu­mang kahina-hinalang alok mula sa mga posibleng nagpapanggap na ahente o em­pleyado ng banko, lumapit agad sa amin. Nasa ibaba ng kolum na ito ang aming hotline at address ng tanggapan.

Posibleng ikaw na ang susunod na mabiktima kapag hindi naging listo at nagpasilaw sa alok ng mga manloloko. Tandaan, laya ngayon ang sindikatong na-entrap namin dalawang linggo lamang ang nakakaraan, mag-ingat!

ANUMAN

BABALA

BANGKO SENTRAL

BANKO

BASAHING

CARD

CREDIT

HOLDER

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with