^

PSN Opinyon

Rep. Sarmiento at Philcox sa BIR

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

GUSTO ni Western Samar Rep. Senen Sarmiento, na magsagawa ng isang malalimang imbestigasyon ang BIR  bago ito mag-file ng isang resolution para mag-imbestiga sa Kongreso tungkol sa monopolyo umano ng kompanyang PHILCOX Inc. sa multi-million IT projects ng Bureau of Internal Revenue.

Sabi ni Sarmiento, kailangan gumawa ng investigation si BIR  Commissioner Kim Henares para malaman kung mayroong anomalya sa proyekto ng PHILCOX.

Ayon sa mga impormasyon ni Sarmiento, PHILCOX has been around at the BIR even during the past administration kaya dapat itong mabusisi.

Sinabi ni Sarmiento, nakuha pa daw ng PHILCOX ang 17 IT contracts sa BIR. last December  tatlo sa apat na IT projects ang nakuha ng nasabing company sa bidding na isinagawa sa isang araw.

Ayon kay Sarmiento, nagkaroon ng failed bidding sa ika-apat na kontrata pero sa re-bidding  ay nakuha rin ito ng PHILCOX.

Naku ha!

Ano ba ito?

Sabi ni Sarmiento, kailangan din umanong imbestigahan ni Henares ang alegasyon na nakikipagsabwatan ang PHILCOX sa mga tiwaling empleyado at server software at server supplier na ORACLE upang masiguro na makukuha nila ang kontrata.

Sabi ni Sarmiento, isa pa daw sa mga kontrata ang may probisyon na “the bidder must use  the latest version of the Oracle DatabaseEnterprise Edition (our existing core relational database management system) to qualify for the project” na taliwas umano sa Government Procurement Act.

“According to my sources, this requirement was inserted as a pre-condition to qualify in the bidding to ensure that only PHILCOX can qualify to bid,” paliwanag ni Sarmiento.

Abangan.

NCRPO Purisima at CHAPA sa Manila

KAILANGAN ipabusisi ni NCRPO bossing Allan Purisima sa kanyang mga ‘angels’ este mali mga intel boys pala para alamin ang puno’t dulo kung totoo ang kumakalat na tsimis na kasama ang name nito para ipangolekta sa mga ilegalista, club owners  at vendors sa Manila.

Naku ha, ang cheap naman!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, Ang mga pangalan lumutang sa pangongotong gamit ang pa­ngalan mo ay sina alyas Nardong itok, Boy deputy at bulldog pawang mga kamote daw sa CHAPA?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kilala daw ang tatlong kamoteng ito sa CHAPA kung pakakalkal mo sila Gen. Purisima.

Sa totoo lang parang mga crying cow ang mga club owners, ilegalista at maging mga vendors sa Manila dahil sa tatlong itlog na ito.

Ang ibig sabihin ng CHAPA, ay City Hall Public Assistance, sa pangalan pa lang ang ganda ng pakinggan pero sa trabago ng dalawang sinasabing tatlong itlog ay mabantot ang dating sa madlang public na kilala ang mga lagapot.

Hindi naman sinasabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na lahat ng miembro ng CHAPA ay mga kotongero kundi ang tatlo lang sa pinangalanan ang mga gago.

Si Nardong itok ang hepe sa tatlong kamote kaya naman ang nakokotong nito sa loob ng one week ay dehins bababa sa kalahating million piso.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, matibay ang mukha ng tatlong kamote kaya buo ang kanilang mga dibdib sa pangungurakot.

Dapat sigurong alamin ni Major Mar Reyes, pinuno ng CHAPA kung totoo lahat ang impormasyon ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, baka kasi siya ang mapagbuntunan ni Purisima.

Totoo kayang mga taga - CHAPA ang mga animal?

Abangan.

ABANGAN

ALLAN PURISIMA

AYON

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CHAPA

CITY HALL PUBLIC ASSISTANCE

PURISIMA

SABI

SARMIENTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with