World Kidney Day 2012
KAMI ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ay nakikiisa sa pag-obserba sa World Kidney Day (WKD) 2012 sa Marso 8.
Layon ng aktibidad na itaas ang kamulatan ng lipunan tungkol sa kidney (tinatawag na “bato”) lalo na sa nagiging kalagayan ng mga nagkakaroon ng kidney disease.
Kaugnay nito ay nabalitaan namin ang napakagandang plano ng aming kaibigang si Richard “Ka Ricky” Lee ng DWAD 1098 kHz radio at kanyang mga kasama para gumawa ng espesyal na radio program segment at newsletter na magsisilbing forum ng mga impormasyon hinggil sa kidney at mga kidney patient.
Masyado nang nakaaalarma ang paglala ng pagkakasakit sa kidney sa buong mundo kabilang ang ating bansa. Ayon sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI), ang kidney diseases partikular ang End Stage Renal Disease (ESRD) ay “seventh leading cause of death among Filipinos.”
Taun-taon, humigit-kumulang na 120 Pilipino sa bawat isang milyong populasyon ang napabibilang sa lista-han ng kidney patients, at sa ngayon ay hindi bababa sa 5,000 kababayan ang kinakailangang regular na sumailalim sa dialysis.
Batid natin na napakabigat ng mga problemang kaakibat ng sakit na ito laluna sa usapin ng pinansiyal, pisikal, emosyonal at kabuuang pamumuhay ng nagiging kidney patient.
Noong panahon ng administrasyong Estrada ay pinasimulan ko ang proyektong Malacañang Dialysis Center na nagbigay ng libreng dialysis sa marami nating mahihirap na kababayang may kidney disease.
Noong ako ay senadora pa, isinulong ko ang
panukalang Dialysis Center Act na magtitiyak ng dialysis service sa mga pam publikong ospital sa lahat ng probinsiya para sa mga maralitang pas-yente. Ang hakbanging ito ay itinutuloy ngayon ni Jinggoy sa kanyang Senate Bill 629. Kabilang din sa mga serbisyo publiko ni Jinggoy ay medical assistance sa pamamagitan ng NKTI.
* * *
Birthday greetings: Bishop Juan De Dios Pueblos (March 8); Bishop Jose Sorra at Archbishop Paciano Aniceto (March 9).
- Latest
- Trending