^

PSN Opinyon

'Huwag n'yo kaming gawing panakot!'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

KINAKALAMPAG ng BITAG ang pansin ng mga personalidad na nakalathala sa kolum na ito. May mga tip at impormasyon kaming natanggap hinggil sa walang pakundangang paggamit ng aking pangalan at ng aming programa.

Uunahin ko na si Major Mar Reyes, hepe ng CHAPA ng Manila City Hall na nakasama ng BITAG sa operasyon ng pagpapasara ng mga establisimiyentong bilyaran, inuman at mga motel sa U-Belt.

Isang linggo matapos ang isinagawang operas-yon, kumokontak na sa aming tanggapan ang umano’y may-ari ng Marina Mansion.

Hindi ko pinahintulutang makausap ang nagpapakilalang may-ari ng Marina Mansion dahil hindi ako ang nagpapasarado ng kanyang establisimiyento kundi ang Manila City Hall, walang dahilan upang makipag-usap ang BITAG.

Subalit ipinaabot nito sa amin ang panghihingi raw ni Major Reyes ng P10,000. Ito’y upang hindi na raw gambalain pa ng BITAG ang kanyang establisimiyento.

Ang siste, ginawa pa kaming panakot. Ayaw na ayaw ng BITAG na kinakaladkad ang pangalan ng aming prog­rama, lalung-lalo na sa katiwalian.

Nasaksihan na ng lahat kung paano namin itinuwid ang mga baluktot na gawi ng mga gumamit ng aming pangalan. Paalala lang, kung totoo man ang impormasyong ito, maghahalo ang balat sa tinalupan.

Ang ikalawang target ng BITAG, isang nagnganga-lang Ro-ann escarmosa, consignee umano ng Ron-Rox enterprises na ang negosyo ay tiles and tyres.

Ginagamit ang panga­lan ko sa kanyang pakiki-pagtransaksiyon sa Bureau of Customs. Paglilinaw, wala akong kaibigan na broker at businessman na nakikipagtransaksiyon sa Bureau of Customs.

Hindi namin estilo sa bitag na makipagkaibigan sa mga negosyong tulad nito.

Hindi kami nakikipag-ugnayan sa anumang brokerage firm.

Makaabot pa sa akin na patuloy ang paggamit n’yo sa aking pangalan diyan sa custom, pag-uuntug-untugin ko ang ulo n’yo kasama yung financer umano na alyas Jimpol.

Huwag kayong magpa­pahuli, dahil kapag naidokumento ng BITAG ang aktuwal n’yong transaksiyon gamit ang aking pangalan at programa namin, sa harap ng came­ra, mababalatan kayo ng pagkatao.

Babala ito sa mga tinutukoy sa kolum na ito at maging sa iba na patuloy na sumasakay at gumagawa ng katiwalian gamit ang pangalan ni Ben Tulfo at BITAG bilang panakot.

vuukle comment

AYAW

BABALA

BEN TULFO

BITAG

BUREAU OF CUSTOMS

MAJOR MAR REYES

MAJOR REYES

MANILA CITY HALL

MARINA MANSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with