Ang good housekeeping ay bahagi ng maayos na pamamahala hindi lamang ng buong bansa kundi bawat mga lalawigan at bayan na bumubuo nito.
Maganda ang ginagawa ng Department of Interior and Local Governments sa pagbibigay ng insentibo sa mga local government units sa pamamagitan ng paggagawad ng “seal of good housekeeping.”
Kamakailan, iginawad ng DILG ang selyong ito sa San Pedro, Laguna sa pamumuno ni Mayor Calixto R. Cataquiz para sa taong 2011. Ito’y bilang pagkilala sa mga pagsisikap nito na maisulong ang mga prinsipyo ng Accoun-tability at Transparency sa lokal na pamamahala.”
Ang paggawad ay idinaos sa Mayor’s Thanksgiving Night noong nakaraang Pebrero 20, 2012 sa Atrium Hall ng bagong munisipyo ng San Pedro kaugnay na siyam-na-araw na taunang Sampaguita Festival na idinaos ng bayan.
Ang plake ng Seal of Good Housekeeping na nilagdaan ni DILG Secretary Jesse M. Robredo ay ibinigay kay Mayor Cataquiz ni DILG Provincial Director Lionel I. Dalope. Ipinahayag niya na ang parangal ay may kasama ring premyong cash na Tatlong Milyong Piso.
Ipinaliwanag ni Dalope na ang proyektong ito ng DILG ay kumikilala sa mga LGUs na nagpakita ng mahusay na pamamahala sa panloob na pangangasiwa partikular na sa apat (4) na larangan, tulad ng (1) Good Planning; (2) Sound Fiscal Management; (3) Transpa-rency at Accountability; at (4) Valuing of Performance Monitoring.
Ang parangal sa San Pedro ay kumilala sa transparency ni Cataquiz sa pag hawak ng kabang-ya man ng bayan sa buong pagpapakita ng lokal na budget at pananalapi at procurement process, bids at public offerings na nakapasa sa requirements ng COA. Congrats kay Mayor Cataquiz at sa lahat ng mga local na opisyal diyan sa San Pedro.
Magandang paraan ito kaugnay ng kampanya laban sa korapsyon sa pamahalaan. Iyan ang tinatawag na motivational approach.