^

PSN Opinyon

'Timbog, pinakawalan... Timbog muli'

- Tony Calvento -

ANG UNEMPLOYMENT RATE sa ating bansa ay hindi mapigil sa pagtaas. Libu-libo ang guma-graduate taun-taon subalit daan lamang ang mav trabahong maaring pasukan.

Karamihan sa ating mga kababayan ay nag-iisip na ma­ngibang bansa na lamang. Kapit sa patalim kahit malaki ang panganib na sila’y masugtan.

Nagsadya sa aming tanggapan sina Roxanne Villamor, Jenny Tamalla parehong 23 anyos at si Alexis Cadorna, 30 taong gulang.

Sila’y nagpunta sa Maynila para tignan kung may pagkakataong sila’y makahanap ng agency na makakatulong sa kanilang makapagtrabaho sa ibang bansa.

Sa kanilang paghahahanap, napadpad sila sa Makati sa Escrow No Risk Consultancy Services.

Nakausap nila si Eloisa Beduya, ang manager ng Escrow. Nangako daw ito na makakapunta sila sa bansang New Zealand para makapagtrabaho.

Meron daw silang tao doon na maglalagay sa mga aplikante sa trabaho. Ang pangalan ay ‘Kenny Stewart. Maaki daw ang sweldo na pumapalo sa halagang Php80,000 hanggang Php100,000 sa loob ng isang buwan.

Makakaalis sila sa madaling panahon lamang sa pamamaguitan ng ‘tourist visa’.

“Wala daw problema yun dahil pagdating ay may sasalong trabaho sa amin at mapapalitan ang aming pagiging turista at magkakaroon kami ng working visa”, sabi ni Roxanne.

Disyembre daw ay makukuha na nila ang ‘visa’. Pinakilala sa kanila si Imelda Dalojo, ‘orientation manager’ at ADMIN officer ng Escrow.

Ito ang nagpaliwanag ng mga gagawin pagdating sa New Zealand at mga benepisyong kanilang makukuha kapag sila’y nakaalis,

Pinasa nila ang mga ‘requirements’ at iba pang mga dokumento sa ‘marketing officer’ na si Noralyn Agustin.

Hindi na sila nagdalawang isip. Nagbayad si Roxanne ng halagang Php30,000, Si Jenny naman ay nasa Php70,000. Parehas silang nagbayad ng buwan ng Nobyembre. Inabutan na nila si Alexis na naunang makapasok sa Escrow buwan ng Hulyo. Naghahanap ng trabaho noon si Alexis. Sinabi sa kanya ni Beduya na habang hindi pa siya nakakaalis ay pwede siyang magtrabaho muna sa Escrow.

Nagbayad siya umano para sa ‘initial registration fee’. Bumili din daw siya ng laptop, plane ticket at cellphone gamit ang kanyang ‘credit card’ para sa anak ni Beduya. Ang buong halaga nito ay nasa Php58,000.

Lahat ng kanilang bayad sa ‘processing fee’ ang tumanggap umano ay si Eloisa Beduya.

Naisip nila na para makatipid ng pamasahe ay huwag ng umuwi sa General Santos. Nagrenta sila ng ‘appartment’ sa Las Piñas kung saan naghati sila sa mga bayarin.

“Para mairaos ang kalam ng aming mga sikmura ay nag-iihaw kami ng mga bituka, ulo ng manok at isaw na binebenta namin”, sabi ni Roxanne. Dumaan ang mga buwan ng Enero at Pebrero na pero nakatengga pa rin sila dito sa Pilipinas. Hinihingan pa sila ng karagdang bayad para daw mas mapabilis ang pagpapaalis.

Nagsimula na silang magduda. Malaki na kasi ang perang kanilang binigay pero hinihingan pa sila ulit.

Nahihiya na rin sila sa kanilang mga magulang na nagbigay sa kanila ng pera para makaalis. Hindi naman nila maipagtapat na nagkaka-problema sila.

Nagtanung-tanong na sila tungkol sa kumpanyang inilagay nila ang kanilang pag-asa at pati na rin ang kanilang kinabukasan, ito’ y ang Escrow No Risk Consultancy Services.

Naisipang mag-research ni Alexis sa internet. Natuklasan niya ang ilang mga negatibong bagay tungkol sa Escrow. Mga artikulo kung saan nakasulat ang mga reklamo tungkol sa kanila.

Naiisip nila na biktima na sila ng ‘illegal recruitment’ ng agency na ito.

Nabasa nila ang aming pitak na CALVENTO FILES sa ­PSNGayon at nagpunta sila sa aming tanggapan.

Ininterview sila ng aming ‘senior staff’ na si Aicel Boncay. Ikinwento nila lahat ng mga nabanggit sa itaas.

Nakapanayam namin sila sa aming programang CALVENTO FILES sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (tuwing 3:00 ng hapon).

Bilang tulong nakipag-ugnayan kay Director Samuel Pagdilao ang hepe ng Criminal Investigation Detection Group (CIDG).

Binigyan namin sila ng ‘referral’ papunta sa tanggapan ni Director Pagdilao.

Hinarap naman sila doon at ang kanilang reklamo ay na-‘assign’ sa Anti Transnational Cyber Crime division (ATCCD) na pinamumunuan ni P/Supt. Gilbert C. Sosa.

Nag-imbestiga sila at nalaman na walang kaukulang lisensya at permit ang Escrow Agency pati na rin ang mga empleyado nito.

Naglatag ng ‘entrapment operation’ ang ATCCD CIDG para masakote itong si Beduya.

Ipinagtapat nila ang paghingi ng Escrow ng karagdagang bayad para mapabilis ang pag-alis. Sinamahan sila ng ATCCD ng CIDG sa tanggapan ng Escrow sa Guadalupe Makati.

 Binigyan sila ng mga ginupit-gupit na dyaryo na kasukat ng pera para magmukhang marami (boodle money). Sa ibabaw at ilalim nito naglagay ng mga tunay na perang minarkahan (marked money) na tig-iisang libong piso.

Ika-13 ng Pebrero, bandang las 2:00 ng hapon handa na ang lahat. Tumulak na sila papunta ng Escrow.

Kinausap sila ni Dalojo at Agustin.. Hintayin lang daw si Beduya na dumating dahil sa kanya mismo ibibigay ang bayad.

Makalipas ang 30 minuto dumating si Beduya. Hiningi nito ang karagdagang bayad. Biglang nagpasukan ang mga ang operatiba ng CIDG. Hinuli sila Beduya Dalojo at Agustin. Dineretso sila sa tanggapan ng CIDG at ikinulong.

Nakiusap naman ang kapatid ni Beduya na isang PNP officer na naka-assign sa Makati. Ayaw nilang pumayag na makipag-areglo at ibaba ang demanda.

Masaya silang umalis ng Camp Crame matapos makita na nasa loob na ng kulungan itong sina Beduya, Dalojo at Agustin.

Mabilis nilang ibinalita sa aming tanggapan na ‘mission accomplish’. Pagdating ng ika- 16 ng Pebrero, araw ng Huwebes ng gabi may tumawag sa kanilang CIDG para ipaalam na itong si Beduya ay pinakawalan.

Paano nangyari ito? Isang ‘release order’ ang inilabas para sa tatlo na pirmado ng Inquest Prosecutor na si Jonathan M. Aldovino.

Nagimbal ang mga complainant at pati na rin kami ay nainis sa pangyayari.

ANONG NANGYARI? Nagkaayusan ba? Ito ang mga katanungang sumagi sa aming isipan.

ABANGAN sa MIYERKULES ang mga detalye ng mga kaganapan sa kasong ito. EKSKLUSIBO dito lamang sa CALVENTO FILES sa PSNgayon.

(KINALAP NI AICEL BONCAY )

Sa gustong dumulog ang aming numero ay 09213263166 o 09198972854. Ang landline, 6387285 at 24/7 PLDT hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor City State Centre bldg. Shaw Boulevard., Pasig Citymula Lunes-Sabado.

* * *

Follow us on twitter: Email: [email protected]

AGUSTIN

AMING

BEDUYA

ESCROW

LSQUO

NILA

PARA

SILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with