^

PSN Opinyon

'Ospital sa Pampanga, bayad muna bago buhay!'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

TUNGKULIN ng bawat ospital o pagamutan na tugunin ang pangangailangan ng mga mamamayang nanga-ngailangan ng tulong medical.

Mapa-maliit o malaking problemang pangkalusugan, layunin ng mga establisyamentong ito maging ng kanilang mga empleyado na sumagip ng buhay.

Subalit ang isang ospital sa Pampanga na inireklamo sa BITAG ng ilang pasyente, tila negosyo ang prinsipyo. Bayad muna bago buhay ang estilo.

Narito ang ipinadalang e-mail ng mga nagrereklamo.

Good afternoon Sir Ben,

 I am really glad that I saw your site. Gusto ko lang po sanang i report ang isang Hospital dito sa Pampanga, (Angeles University Foundation Medical Center), Hindi ko na po magawang pag walang bahala nalamang ang ginagawang kamalian ng Hospital na ito. Hindi po sila nag aadmit ng pasyente ng walang downpayment at ang masaklap kahit Kritikal ang lagay ng pasyente ay hindi ito magawang tulungan kung walang depositong ibabayad.

Ganito po ang masaklap na nangyari sa Tiyahin ng aking kaibigan, Nabaril po sa ulo ang tiya niya at dinala sa ospital na ito, nakiusap po sila na kung maaari ay gamutin na ang kanyang tiya ngunit hindi pumayag ang ospital na ito dahil kailangan daw nila agad ng down payment at yun daw ang patakaran, namatay na po ang kanyang tiya hindi po sa tama ng bala kundi blood loss dahil sa ibang ospital na siya agarang pinalipat ngunit sa kasamaang palad walang dugong available doon.

Isa pa pong insidente ay inatake sa puso ang Tiyo naman po ng aking asawa, kailangan na daw po siyang ma operahan subalit nanghihingi po muna ng downpayment sa 300k na babayaran, ang problema po ay malalim na ang gabi at hinihingan sila ng 200k agad bilang deposito, nakikiusap po sila na bukas na po nila babayaran ang DP umpisahan po muna ang operasyon para sa pasyente ngunit hindi po sila pumayag, kahit makiusap po muna na magbayad muna ng 50k at kinabukasan nlang ang natitira dahil disora na po ng gabi.

Sir Ben sana po ay matulungan nyo ka-ming ipakalat sa publiko lalong lalo na dito sa Pampanga ang ginagawa ng Ospital na ito dahil kapag po sa oras na kailangan mo ang ospital ay baka ganito din po ang sapitin ng mga taong nangangailangan ng agarang lunas.

Para sa kaalaman ng lahat at sa pamunuan ng AUFMC sa Pampanga, ipinagbabawal ng ba- tas ang sistema niyo.

Ayon sa Republic Act 8344 o an Act prohibiting the demand of deposits or advance payments for the confinement or treatment of patients in hospitals and medical clinics in certain cases.

Paglabag sa batas kapag hihingi ang isang ospital o medical clinic, mapa-gobyerno man o pribado, ng down payment o deposit bilang pre-requisite bago tanggapin o gamutin ang isang pasyente. 

Sinasalungat nito ang layunin ng mga nasa larangan ng medisina na sumagip at magligtas ng buhay.

Maaaring magsampa ng reklamo ang mga biktima sa Department of Health at sa Philippine Hospital Association na siyang nakakasakop sa lahat ng ospital sa bansa.

Sa BITAG, kapag por­mal ng lumapit sa amin ang nagrereklamo, kikilos kami ng ayon sa hinihingi ng pagkakataon. Ang mali ay mali, ang baluktot ay dapat ituwid.

Mag-aabang kami   sa mga susunod na hakbang ng mga biktimang nagrereklamo.

ANGELES UNIVERSITY FOUNDATION MEDICAL CENTER

AYON

BAYAD

DEPARTMENT OF HEALTH

OSPITAL

PAMPANGA

PHILIPPINE HOSPITAL ASSOCIATION

REPUBLIC ACT

SIR BEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with