TODAY, ang ika- 53rd Installation of officers ng Makiling Lodge No. 72 for Masonic year 2012, sa Magsaysay Hall, Local government Academy, UP Los Baños around 2:00 pm magsisimula ang seremonya na dadaluhan ng mga magigiting na mga Master Masons sa iba’t ibang lugar ng Philippines my Philippines at siempre dadagsain ito ng mga pamilya ng mga bagong hangal este mali halal na mga officer at appointed official.
Tatlong opisyal lamang ng Makiling Lodge No. 72 ang naipadalang pangalan ng ating brethren sa nasabing lodge ito ay sina incoming Worshipful Master Bro. Oliver C. Ocampo, Senior Warden Bro. Al P. Gloria at Junior Warden Bro. Bonifacio L. Alaiza.
Ang installing officer, WB Alejandro B. Magbanua, Jr. PM, WB Jesus Miguel V. Bunyi, Master of Ceremonies at Bro. Virgilio R. Esguerra, Assistant Master of Ceremonies
Master of Ceremonies, WB Jesus Miguel V. Bunyi.
Si VW Edwin I. Corvera, PDDGM ang siyang panauhin pandangal at speaker ng Makiling Lodge No. 72.
Pagkatapos ng installation ay isang magarbong tsibugan dahil may litson baka dala si Kuyang Boni sa na sasabakan ng mga brethren at visitors sa gagawin fellowship.
Inaanyayahan ang lahat ng mga Brethren sa Philippines my Philippines na dumalo sa nasabing pagtitipon at bahala na si Kuyang Boni sa inyo.
Ano pa, gayak na!
Bangayan sa NBI, umpisa na
TINAMBANGAN si NBI deputy director Atty. Rey Esmeralda the other day dyan sa Manila ng motorcycle riding in tamdem tadtad ng bullets ang tsikot nito pero daplis lang ang tama ni Esmi sa kanyang katawan kaya naman marami ang nagpasalamat kay Lord at buhay ito.
Sinasabing mga sindikato ang nabangga ni Esmi kaya siya binakbakan.
May kinalaman kaya ito sa isang Japanese national na kinidnap at kinotongan dyan sa NBI?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang pagkaka-ambush daw kay Esmi ay isang ‘drawing’ o sinasabing ambush me? Hehehe!
Naku ha! Totoo kaya ito?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may tiryahan daw nangyayari ‘under the water’ dyan sa NBI may samaan daw kasi ng loob ang ilang opisyal dito kaya naman may hindi magandang pangyayari ang nangyari.
Remember nasibak dito si NBI Director Magtanggol Gatdula, na sinasabing walang ‘due process?’
Abangan natin ang iba pang kuento ng mga asset sa susunod na mga araw kung ano ang kahihinatnan nito.
Carnap vehicles gamit ng HPG
ISANG malalim na investigation ang ginagawa ngayon ng pamunuan ng Philippine National Police dahil sa sinasabing intel report na ginagamit ng ilang bright na Highway Patrol Group sa isang province ang mga carnap vehicle?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Kung totoo man ang balita malamang may pulitikahan nangyayari todits kaya inuupakan ngayon ang ilang opisyal ng HPG.
Ang importante busisiin ito mabuti at kung totoo ang report siguro panahon na para ikalaboso o tanggalin sa serbisyo ang mapapatunayan na nagkasala.
Abangan.