^

PSN Opinyon

Pagpapaunlad ng renewable energy sa bansa

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

KAMI ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ay natutuwa sa napaulat na pag-ayuda ng United Kingdom sa promosyon ng mga maka-kalikasang teknolohiya tulad ng renewable energy, sustainable infrastructure at low emission transportation sa ating bansa. Ito ay sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad na ilulunsad ngayong Pebrero hanggang Marso ng British Embassy at ng United Kingdom Trade and Investment (UKTI) na naglalayong itaas ang awareness ng publiko hinggil sa nasabing usapin.

Ayon sa embahada, ang halaga ng pandaigdigang merkado para sa mga produkto at serbisyong mula sa maka-kalikasang teknolohiya ay umaabot sa 3.2 trillion British pounds, at lalo pa umano itong lumalaki at luma­lawak ngayon sa iba’t ibang bansa. Binigyang-diin ng embahada na ang paglinang, paggamit at pagpapalaganap ng ganitong uri ng teknolohiya ay makatutulong sa pangangalaga sa ating daigdig, gayundin sa pag-iwas sa negatibong epekto ng climate change.

Ang pagsusulong ng maka-kalikasang teknolohiya, partikular ang renewable energy, ay isa sa mga pangunahing adbokasiya ni Jinggoy. Iniakda niya noon ang Senate Bill Number 588 na isa sa mga pangunahing naging basehan ng ipinasang Renewable Energy Act (Republic Act 9513).

Nakasaad sa naturang batas ang pagbibigay ng sapat na pondo, suporta at atensyon sa pagpapaunlad ng mga alternatibong pagkukunan ng enerhiya na indigenous o lokal, malinis, hindi nakasisira sa kalikasan at paulit-ulit na puwedeng gamitin dahil hindi nauubos. Kabilang sa mga ito ay ang init mula sa ilalim ng lupa (geothermal), init ng araw (solar), hangin (wind), alon sa dagat (oceanic waves) at mga katulad na energy sources.

Iginiit ni Jinggoy na nakatakda sa nasabing batas ang detalye ng mga hakba-ngin para sa pagpapaunlad ng renewable energy. Ang kailangan aniya ngayon ay dedikadong pagpupursige ng pagpapatupad nito.

• • • • • •

Birthday greetings kay dating Cavite Representative Plaridel “Tata Del” Abaya (February 25). Siya ay ama ni kasalukuyang Cavite Rep. Joseph Emilio Abaya.

BRITISH EMBASSY

CAVITE REP

CAVITE REPRESENTATIVE PLARIDEL

JINGGOY

JOSEPH EMILIO ABAYA

RENEWABLE ENERGY ACT

REPUBLIC ACT

SENATE BILL NUMBER

TATA DEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with