^

PSN Opinyon

Big Fish muna inuuna ni P-Noy

- Al G. Pedroche -

ANG umaaribang impeachment trial laban kay Chief Justice Renato Corona ay patunay na inuuna ng admi-nistrasyong Aquino ang paglambat sa mga tiwaling “big fish” sa gobyerno.

Ako man ay naiinip sa bagal ng impeachment trial na waring walang pinatutunguhan. Nasusuya rin ako pero alam kong ito’y kailangan at ang hinahangad ko ay ang mabilis na konklusyon nito upang maibalik ang tiwala ng mamamayan sa justice system.

Sabi ng ilan, may mas malalaking isyung dapat atupagin ang administrasyon. Pero paanong maisusulong ang mga magagandang programa kung di muna lilinisin ang sistema?

Tingin ko’y nauunawaan ng taumbayan ang mga nangyayari ngayon at ang general sentiment ay pabor sa impeachment process laban kay Corona. Pruweba rito ang pagtaas sa mula 70% sa 72% ng approval at net satisfaction rating ng Pangulo. Umangat din ang ekonomiya ng bansa. Tumatabo ang merkado sa Philippine Stock Exchange. Sa buong Asya noong 2011, ang stock market natin ang Best Performer at patuloy na kumikinang ang record nito.Tumaas din ng 13% ang bentahan at palitan noong Lunes na all-time-high sa kasaysayan ng ating bansa. Sa labas ng bansa, ang bentahan ng Philippine Stocks ay umabot sa $938 million noong huling tatlong buwan ng 2011 at patuloy na bumibilis ang bentahan na parang hotcake nga­yong taon, ayon sa TrimTabs Investment Research.

Naumpisahan na ng administrasyong Aquino ang ma­lawakang reporma. Hindi lang ehekutibo ang may pananagutan sa pagsusulong nito kundi kasama rin ang lehislatura, hudikatura at tayong mga taumbayan.

Simboliko dito ang pag­kakaaresto sa dating pa­ ngulo at pagkakakulong   ni Dating Comelec Chairman Abalos dahil sa malawakang pandaraya ng mga nakalipas na halalan.

May impeachment man o wala, tatabo ang tiwalang atang ng taumbayan sa Pangulong Aquino at ma­ku-convert ito sa maayos na takbo ng pamahala­an at ng ekonomiya. Ang malakas na pagtulak ni Pangulong Noy sa impeachment ng punong ma­­histrado ay isa lamang pa­ raan upang seguruhing maayos na maghahatol ang mga hukom at ma-histrado sakaling dumating sa bulwagan ng mga ito ang mga kaso kontra katiwalian dala ng daluyong ng reporma at kampanya laban sa katiwalian.

Sa tingin ninyo, may mapipiit bang Gloria Arroyo kung sa Korte Suprema’y may Coronang nakaupo?

AQUINO

BEST PERFORMER

DATING COMELEC CHAIRMAN ABALOS

GLORIA ARROYO

INVESTMENT RESEARCH

KORTE SUPREMA

PANGULONG AQUINO

PANGULONG NOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with