^

PSN Opinyon

Kulebra: Masasakit na butlig sa katawan

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

ANG kulebra ay isang pangkaraniwang sakit ng mga may edad at mga taong mahina ang immune system. Ang medikal na tawag dito ay Herpes Zoster o shingles sa Ingles.

Ang kulebra ay nanggagaling sa isang virus (varicella-zoster virus) at ito rin ang virus na nagdudulot ng chickenpox o bulutong tubig sa mga bata.

Paano nakukuha ang kulebra? Noong bata pa tayo, nagkaroon muna ng bulutong tubig. Kapag gumaling na ang bulutong ay mananatili pa rin ang virus sa ugat o nerve ng tao. Sa ating pag-edad ay puwedeng magising muli itong virus at magdulot naman ng kulebra. Madalas makita ang kulebra sa mga pasyenteng edad 50 pataas. Ayon sa mga survey, 50% ng mga taong umabot na sa edad 85 ay nagkaroon na ng kulebra.

Bilang paghahambing, ang mga butlig ng chickenpox ay nakikita sa buong katawan. Ngunit ang butlig ng ku-lebra ay nakatuon lamang sa isang parte ng katawan. Makikita ito na nakalinya at magkakasama. Kadalasan, lumalabas ang kulebra sa parte ng balakang, sa leeg o sa malapit sa mata.

Bukod sa butlig, ang pangunahing sintomas ng ku-lebra ay ang pananakit ng mga butlig. Magkakaroon ng tubig sa loob ng butlig. At pagkaraan ng ilang araw ay puputok ang mga butlig na ito at magiging matuyo, ma-pula at mag-uumpisa nang mangati.

Kapag tumigas na ang mga butlig ay hindi na nakahahawa ang pasyente. Ngunit habang nag-uumpisa pa lamang ang kulebra ay puwede itong makahawa sa ibang tao kaya lumayo muna sa iba.

Gamot sa kulebra:

1. Magpatingin sa doktor kapag kayo ay nagka-ku­lebra.

Kapag tumubo ang ku­lebra sa tabi ng mata, mag­patingin din sa isang es-pesyalista sa mata.

2. Kapag maaga kang magpapatingin sa doktor, puwede kang bigyan ng gamot (tulad ng Acyclovir o Valacyclovir) na maaaring magpabilis ng iyong paggaling. May kamahalan nga lang itong mga gamot.

3. Kapag mahapdi mas­­­yado ang kulebra, pu­we­­deng uminom ng mga pain relievers tulad ng pa­racetamol tablet o mefe­namic acid capsule.

4. Huwag putukin ang mga butlig at baka ito magkaroon ng impeksyon.

5. Maghanda ng isang litrong tubig at lagyan ng 1 kutsaritang asin. Ibuhos ang solusyon na ito sa lugar ng butlig. Pagkatapos ay dampi-dampian ang mga butlig para matuyo.

6. Palakasin ang iyong katawan. Magpahinga at matulog ng sapat. Uminom din ng isang multivitamin tablet bawat araw.

Good news po. May bakuna nang naimbento para mabawasan ang tsan­sang magkaroon ng kulebra. Binibigay ito sa mga taong edad 60 pa­ taas. Ang tawag dito ay varicella-zoster vaccine. Kung may perang pambili, magpaturok na nitong bakuna. Tandaan la­ mang na bawal magpabakuna ang mga taong kasalukuyang may sakit, mahina ang katawan at may kulebra na. Ang bakuna ay bilang pag-iiwas o prevention lamang.

Good luck po.

vuukle comment

ACYCLOVIR

AYON

BUTLIG

HERPES ZOSTER

KAPAG

KULEBRA

NGUNIT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with