^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Dagdag-pangil vs mga corrupt sa Customs

-

KULANG sa ngipin o pangil ang mga namuno sa Bureau of Customs. Iyan ang dahilan kaya magpahanggang sa kasalukuyan, talamak ang mga corrupt sa Customs. Hanggang ngayon, nangunguna pa rin ang Customs sa mga pinaka-corrupt na tanggapan ng pamahalaan. Nakakahiya kung sa tanggapan na ito maempleyo sapagkat sa pangalan na lamang ay umaalingasaw ang katiwalian. Kasabihang kapag sa Customs nagtrabaho, tiyak magkakaroon ng Hepa. Naninilaw sa dami ng alahas at pera.

Maski ngayon na si Rufino Biazon na ang Customs commissioner ay marami pa ring corrupt at tila wala nang kinatatakutan. Malaki pa naman ang tiwala ni President Noynoy Aquino kay Biazon kaya ito ang tinalaga sa puwesto. Masyadong mataas ang pagtingin sa kanya ng presidente na maitutuwid ang anumang likong landas sa Customs. Kaya nararapat ipakita ni Biazon na hindi nagkamali si Aquino sa pagpili sa kanya.

Karagdagang pangil pa ang dapat sa mga corrupt sa Customs. Kung hindi magkakaroon nang matalas na pangil si Biazon, hindi kailanman malilipol ang mga corrupt sa tanggapan na kanyang pinamumunuan. Walang ibang sisira sa Customs kundi ang mga matatakaw pa sa buwayang opisyal at tauhan. Ang mga corrupt na opisyal at tauhan ang dahilan kaya malalakas ang loob ng smugglers. Kakutsaba ng mga smugglers ang mga corrupt sa Customs kaya parang butas na bulsa ang ahensiyang ito. Sa halip na mapunta sa kaban ng bansa ang buwis, napupunta iyon sa mga corrupt na tauhan at opisyal.

Maraming nakikinabang sa Customs, maski ang karaniwang clerk, janitor at guard ay nagkakapera. Kahit P10,000 lamang ang suweldo ng isang clerk doon ay nakabibili ng Porsche at may magarang bahay sa sikat na subdivision. Halimbawa na lamang ang clerk na si Paulino Elevado na nahaharap sa kasong pamamaril sa mga estudyante. Nasagi ng Innova na minamaneho ng mga estudyante ang Porsche ni Elevado. Bukod sa pamamaril, sinampahan na rin ng kaso sa Office of Ombudsman si Elevado. Ang nagsampa ng kaso ay ang Revenue Integrity Protection Service (RIPS). Sinampahan siya ng “serious dishonesty and conduct prejudicial to the best interest of the service”. Hindi umano tumutugma ang kita ni Elevado (P10,000) sa uri ng kanyang pamumuhay. Nakapagdududa kung paano nakabili ng Porsche.

Naniniwala kami na hindi lamang si Elevado ang may ganitong uri ng pamumuhay sa Customs. Ila­bas ni Biazon ang kanyang pangil at sampolan si Elevado para magsilbing halimbawa sa iba pa. Kapag nalipol ni Biazon ang mga corrupt sa Customs, maigagawa siya ng monumento.

BIAZON

BUREAU OF CUSTOMS

CORRUPT

CUSTOMS

ELEVADO

OFFICE OF OMBUDSMAN

PAULINO ELEVADO

PORSCHE

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with