^

PSN Opinyon

'Tukso, bisyo sa pusod ng University Belt'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

SA larangan ng pagnenegosyo, unang-unang isinasaalang-alang ay ang lugar na paglalagyan mo nito. Sa madaling salita, depende sa lugar na pipiliin mo ang itatayo mong negosyo.

Ang lokasyon o lugar ang isa sa mga elemento kung papatok ang iyong negosyo. Dito nakasalalay ang uri at dami ng iyong market, parokyano o kostumer.

Sa University Belt o U-belt sa Manila, napapaligiran ito ng mga unibersidad at kolehiyo simula sa dulo ng España, papuntang Morayta, Recto, Legarda hanggang Intramuros.

Mapapansin na napapalibutan ang U-Belt ng mga dormitory, boarding house, fast food chains, bookstore, parlors, internet cafes at iba pang negosyong nauukol sa pangangailangan ng mga estudyante.

Subalit ang hindi pinapansin ng karamihan ay ang mga establisyamentong nagsisilbing patibong para sa mga estudyante.

Kung saan ang mga nagme-may-ari ng mga negosyong ito, namamayagpag sa kanilang mga itinatagong iligal na aktibidades na nagsisilbing tukso sa mga estud-yanteng menor de edad ng U-belt.

Ang tinutukoy ng BITAG, ang motel at inuman na katabi mismo ng mga naglalakihang unibersidad sa U-belt, Manila. Ito ‘yung Marina Mansion, Yes, Jaca at Sight and Shot Billiards.

Reaksiyon ng karamihan, killjoy daw ang BITAG! Sagot ng BITAG, iba ang killjoy sa krusada naming tuldukan ang mga kalokohan at katarantaduhan.

Walang masama sa pag­lalaro ng billiards. Suba­lit kung hahaluan ito ng walang humpay na inuman tuwing oras ng pag-aaral, ibang usapan ‘yan.

Nagsisimula din sa lasi­ngan ang mga awayan, riot at rambol. At ang masahol, kapag nagka-lasingan na ay sa biglang liko ang diretso.

Isang gangster ang nakapanayam ng BITAG. Hindi lamang daw basta mga estudyante ang parokyano ng Yes at Jaca Billiards, kundi mga menor de edad na mag-aaral sa kolehiyo’t hi-skul.

Hindi daw natatapos ang happening sa pagbi-billiard at lasingan dahil kapag pare-pareho nang may mga tama ng alak, dumidiretso sila sa Marina Mansion upang magpalamig at gawin ang hindi dapat.

Ang malalang sitwasyon ng mga putok sa buhong bilyaran, inuman at motel na ito sa U-Belt, walang pakun­dangan kung tumanggap at nagpapapasok ng mga estudyanteng suot pa ang kanilang mga uniporme.

Kumpirmado ito ng BI­TAG sa ilang linggong pagsurveillance namin sa mga nabanggit na establisyamento.

Ayon sa isang business analyst, sadyang inilagay ng nagma-may-ari ang kanilang mga negosyo sa gitna ng u-belt para sa mga estudyante. Mga estudyanteng madaling maakit sa tukso at bisyo.

Sundan sa BITAG nga-yong Biyernes ng gabi sa TV5 ang kinahinatnan ng mga establisyamentong ito sa gitna ng University Belt sa Maynila. Mga magulang, manood at maging mapanuri sa inyong mga anak!

AYON

BELT

JACA BILLIARDS

MARINA MANSION

SA UNIVERSITY BELT

SIGHT AND SHOT BILLIARDS

U-BELT

UNIVERSITY BELT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with