Batasan Lodge No. 381
THIS coming March 1, Thursday 2012, ang 4th Public Installation ng mga bagong halal at elected official ng Batasan Lodge No. 381 for Masonic year 2012-2013.
Ang guest of honor ng nasabing Loya ay si WB Hon, Simeon A. Datumanong, kinatawan ng 2nd District ng Maguindanao, kaya mga Kuyang huwag na hindi kayo pupunta para mapakinggan natin ang sasabihin nito sa mga brethren at mga guest.
Ang mga bagong kasal este mali halal pala ay sina WB Bro, Rommel M. Cancio, Senior Warden Bro. Jonathan S. Presquito, Junior Warden Bro. Joseph S. Logronio, Secretary Bro. Martin John S. Yasay, Treasurer Bro. Ric O. Gatacilo Sr., Auditor WB Archie O. Valeriano, Senior Deacon Bro. Joseph P. Torcita, Junior Deacon Bro. Wendell B. Florentin, Marshall Bro. Robin K. Chan, Chaplain Bro. Nathanael T. Kaw,
Senior Steward Charlie T. Vete, Junior Steward Bro. Alfredo E. Dulay Jr., Lecturer Bro. Felizardo S. Eubra Jr., Custodian VW Eleuterio S. Logronio III, Harmony Bro. Lazaro S. Galindez Jr., Almoner Bro Ferdinand P. Censon, Historian WB Albert S. Encarnacion, Orator Bro. Rosalino P. Ibay, Organist Bro. Albert M. Precion at Tyler WB Vincent Paul I. Ocasiones.
Installing officer ay si MW Oscar V. Bunyi, Master of Ceremonies MW Jaime Y. Gonzales, Assistant Master of Ceremonies VW Dionisio C. Panajon, Inspirational Messages RW Santiago T. Gabionza Jr. at RW Juanito ‘Jun’ G. Espino Jr.
Sa Grand Lodge of the Philippines, San Marcelino St., Ermita Manila ang installation at fellowship.
Kaya mga Kuyang dumalo na kayo! P200 terminal fee, aaprobahan kaya?
PINAPLANO pala ng ibang bright people ang P200 terminal fee singil sa lahat ng mga international departing passenger sa NAIA terminals matapos babaan ng gobierno sa P550 mula sa P750.00 ang mga ibinabayad ng mga umaalis na pasahero paputang abroad from the Philippines my Philippines noon February 1, 2012.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na itinutulak ng mga bright sa DOTC o sa MIAA management na babaan pa ang singil ng terminal fee sa mga lumalayas este mali departing pala na international passengers.
Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang binabalak na P200.00 terminal fee sa ngayon ay drawing pa dahil marami pa daw bayarin at gastusin ang airport na kailangan para sa operation at maintenance ng tatlong airport terminals.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, puedeng ipatupad ang mababang singil pero siguro sa loob pa ng anim na buwan mula ngayon.
Patay!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang dehins nagkakasundo ang DOTC at MIAA kaya may mga nagsusulputan usapin tulad nito.
Sabi nga, atras - sulong? Hehehe
Kung ang tsimis na ito ay matutuloy aba mas mainam ito sa madlang pinoy.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ok lang kung sa mga turistang banyaga ito kukunin dahil alam naman natin may mga pitsa ang mga ito kaya nga nagpupunta sila sa Philippines my Philippines para mamasyal.
Abangan.
- Latest
- Trending