^

PSN Opinyon

Pangalagaan ang industriya

K KA LANG? - Korina Sanchez -

ANG Pilipinong seamen ay mga bagong bayani ng ating bansa. Hindi puwedeng maliitin ang kanilang perang pinapasok sa bansa taun-taon. Higit 20% ng lahat ng pinapasok na pera ng mga OFW ay nagmumula sa seamen. At sa nakarang taon, nagtala ng pinakamataas na paglaki ng perang pinadadala ang mga seamen, ayon sa mga nakalap na datos ng Trade Union Congress of the Philippines(TUCP)!

Malaki ang maitutulong ng seamen sa ekonomiya ng bansa. Ayon rin sa TUCP, apat at kalahating bilyong dolyar ang pinadala ng seamen sa bansa noong taong 2011! May kinalaman din ang paglakas ng piso kontra ang dolyar sa paglaki ng mga pinadadala. Dahil sa mas lumalakas ang piso, mas maraming dolyar ang kailangang ipadala para maging pareho lang ang halaga. Higit 375,000 seamen ang nasa iba’t ibang bansa na nagsisilbi sa kanilang mga kompanya na may dalang dangal at katapatan. Ang Pilipinas ang pinaka-malaking supplier ng seamen sa mundo. Gusto ito ng mga kompanya dahil sa kanilang kakayanan sa salitang Ingles, at mas mahalaga, ang kanilang kasipagan at dedikasyon sa trabaho. Nakita ito sa pagtagilid ng Costo Concordia sa Italy noong Enero. Ang mga Pilipinong seamen ay naiwan sa barko para tumulong sa mga pasahero. Hindi inintindi ang kanilang kapakanan! Hindi tulad ng kapitan na naunang umalis sa barko!

Kaya naman kailangang pangalagaang mabuti ang industriyang ito. Dahil sa laki ng pinapasok at dami ng bilang ng seamen, mara-ming maaapektuhan kung hindi sila. Kailangan bantayan ang kanilang pagkilos para sa ikabubuti ng kanilang mga kapamilya at sa bansa. Ang Pinoy seamen ang isa sa pinaka-mahalagang bahagi ng ekonomiya. Nasa labor force pa rin ang lakas ng bansa.

Sayang naman kung mauunahan pa tayo ng mga ibang bansa na umaasang palitan tayo sa numero unong posisyon sa larangan ng seamen. Ambisyon nila ang makuha ang mga trabahong napupunta sa mga kababayan natin. Ambisyon nila ang maging numero uno. Sa aspetong ito, tayo ang numero uno!

AMBISYON

ANG PILIPINAS

ANG PINOY

BANSA

COSTO CONCORDIA

DAHIL

HIGIT

KANILANG

SEAMEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with