Ilang linggo na ang impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona, ang matalik na kaibigan ni Madam Senyora Donya Gloria at Sir Senyor Don Jose Miguel Pidal Arroyo, pero pilit pa ring tinatago ang maraming bagay sa pamamagitan ng mga magagaling na abogadong libre raw ang serbisyo.
Of course kakampi ng mga magagaling na abogadong ito ang ilang magagaling na senador na nakakalimot yata na utang nila sa sambayanan ang kanilang mga posisyon at hindi sa mga alyansang Arroyo-Corona.
Pagkatapos ng impeachment na ito ay tandaan natin ang mga taong ito, idamay din natin ang kanilang anak, asawa o iba pang patatakbuhin nila. Dinadaan lahat sa mga legalidad, panay ang pasikat samantalang alam naman nating lahat na tameme sila noong panahon ni Madam Senyora Donya Gloria na pantapal sa kanila ay mga proyekto at noong pakapalan na ay tumatagin-ting na cash.
Anyway, ang nais kong sagutin ni Corona ay ang mga sumusunod:
Saan nanggaling ang P78,800,354.91 na ari arian, cash at investments na nasa pangalan niya? Puwera pa ang sa pamilya niya.
Bakit hindi niya dineklara ito sa kanyang Statements of Assets, Liabilities and Networth? Sa kanyang deklarasyon ay P22,936.980 lamang pero lumalabas na ang tunay na halaga niya ay P78,800,354.91 o diperensiya ng P55,863.374.
Bakit ayaw niyang payagang buksan ang mga foreign currency account niya at nagtatago sa pamamagitan ng batas na kailangan ng approval niya bago buksan ng banko ang dollar accounts niya?
Saang banko pa ba siya may tinatago? Imposible naman kasing sa dalawang banko lamang ito, wala ba sa ibang bansa gaya ng mga best friend niya?
Mga tanong na simple pero ayaw niya sagutin at pilit na tinatago. Bakit? Guilty kasi at may tinatago.
* * *
Para sa anumang reaksyon, suhestiyon text lang sa 09498341929 o e mail sa nixonkua@ymail.com