Pinoy mountaineer, naabot ang Aconcagua Trek
TINITINGALA ngayon sa buong mundo ang Pinoy mountaineer na si Ramon Luis Dysangco, nang maabot ang tuktok ng pamosong Aconcagua Trek sa Argentina na may taas na 6,962 metro (22,841 feet) at may napakatinding lamig ng klima.
Si Dysangco ay pamangkin ni Barangay Secretary Mrs. Baby Carandang ng Barangay Ayala Alabang sa Muntinlupa City, gayundin ni Atty. Mon Garcia, Chief of Staff ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada.
Base sa impormasyon, “Aconcagua Trek is located at the Andes mountain range. It is the highest peak in both the Western and Southern Hemispheres, the highest mountain in the Americas. Ranked 2nd in prominence next to Mt. Everest, it is the highest mountain outside of the Himalayas and one of the fabled ‘Seven Continental Peaks’ of the world. It is an extinct volcano, its upper slopes continuously covered with snow.”
Ang 33-anyos na si Dysangco ay kabilang sa grupo ng anim na mountaineers kasama ang dalawa pang Pilipino, dalawang Argentinian guides at ang Argentinian climber na si Tito Morero nang sumuong sila noong Disyembre 3, 2011 sa 12-day expedition sa Aconcagua pero siya lang at si Morero ang nakatapos ng expedition.
Disyembre 14 nang narating ni Dysangco ang tuktok ng bundok. Sinagupa niya roon ang napakatinding -17 C degrees na klima at “30 kph wind chill” hanggang matagumpay niyang naisagawa ang simbolikong pagsabit ng kanyang headgear na nagtataglay ng tri-colors ng Philippine flag sa sikat na Cross marker ng bundok.
Lalong hinangaan si Dysangco sa kanyang nagawa dahil ang pinakamatayog lang niyang naakyat bago ito ay ang 3,886-metrong taas na Mt. Syue sa Taiwan.
Siya ay miyembro ng Smart Mountaineering Club at hinirang na Mountai-neer of the Year ng natu-rang grupo. Dangal ka ng lahing Pilipino, Ginoong Dysangco!
* * *
Happy Birthday: Caga-yan Governor Alvaro Antonio (February 19); Pampanga Gov. Baby Pineda at Bishop Dinualdo Gutie-rrez (Feb 20).
- Latest
- Trending