Mula sa kuweba ng mga hukuman sa iba’t ibang munisipyo at kapitolyo ng bansa, muling naging center stage ang propesyon ng mga abogado sa pag-televise ng nagaganap na impeachment trial. Hindi lang daw si Chief Justice Renato C. Corona ang nililitis dito. Ang Kongreso, Presidente at bawat mamamayan ay sabay ding sumasailalim sa pagsubok. At ang mga manananggol muli ang pangunahing nagsisiganap ng mahalagang papel sa paghatid ng kabanata ng mainit at makabuluhang drama sa Senado.
Hindi lang hamon sa paniwala ang hinaharap ni Juan de la Cruz. Hamon din ito sa kanyang kaalaman dahil napipilitan unawain ang mga nagbabanggaang posisyon at prinsipyo bago gumawa ng pasya. At masuwerte si Juan dahil ang impeachment court ay talagang dinisenyo upang mas maabot ng publiko ang interaksyon sa pagitan nang malalaking kagawaran. Relaxed dito, ‘ika nga, ang mga mahigpit na patakarang sinusunod sa karaniwang hukuman. Erased na rin ang maraming teknikalidad sa ebidensiya na nagpapatagal sa paglilitis. Legalidad ang pinag-uusapan. At dahil ang ating mga senador na hindi naman lahat abogado ang kumikilos upang hugutin ang katotohanan, mas madali rin intindihin ang magkabilang interpretasyon ng batas at gawin itong gabay sa sariling desisyon.
Ang resulta ay nadadagdagan ang ating pag-unawa sa kahalagahan ng batas sa isang lipunan. Ang batas ay utos ng taumbayan na nagsasabing may mga karapatan ang bawat isa na hindi basta basta isusuko dahil lamang taliwas sa posisyon ng mayorya. Kahit sa isang demokrasya, hindi sa lahat ng oras ay tamang manaig ang kagustuhan ng nakararami. Majority wins, oo nga. Subalit kailangang respetuhin ang minority rights.
Ito ang diwa ng rule of law. Na sa atin din nanggaling ang mekanismo upang mapigilan ang pag-abuso ng
sariling kapangyarihan. At ang kagandahang ito ay umuusbong mula sa pinasimpleng legalidad ng Impeachment Trial. Dahil dito’y inaasahang puputok muli ang enrollment ng mga College of Law sa darating na Hunyo, gaya ng nangyari sa Erap Impeachment noong 2001.
Ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) College of Law ay tumatanggap na ng aplikasyon para sa degree na Juris Doctor sa taong 2012-2013. Ang takdang araw ng eksamen ay sa Feb. 24 (Friday), March 31 (Saturday) at April 28 (Saturday). College of Law telephone Nos. (632) 527-7941 to 49, local 30; (632) 527-9074. www.plm.edu.ph.