Corona at Pidal
KULANG-KULANG sa P50 million ang laman ng mga bank account ni Chief Justice Renato Corona. Hindi pa ho kasali rito ang mga dollar accounts niya na ayaw ilabas ng banko dahil daw sa bank secrecy law kung saan nakasaad na hindi maaaring ilantad ang laman nito kung hindi pumapayag ang nagmamay-ari.
Hindi pumayag si Corona na kaibigan at kaalyado nina Sir Senyor Don Jose Miguel Pidal Arroyo at Madam Senyora Donya Gloria na buksan ito, nakipagsabwatan pa nga siya sa walong kasamahan niya sa Korte Suprema na naglabas ng temporary restraining order (TRO) sa isyung ito.
Ang TRO na ito ng Korte Suprema ay nangangahulugan na kahit na perang ninakaw sa bayan, pera ng iligal na droga, sugal o iba pang galing sa ibang klaseng krimen kasama na ng mga terorista basta nasa dollar, pounds, yuan o iba pang imported na kuwarta ay hindi ubrang siyasatin.
Lima ho ang bank accounts na dollar denominated ni Corona. Ang isa rito ayon sa isa kong kaibigan ay umaabot ng $700,000. Halaga nito ay mga P28 million. Isa lamang ito, paano pa ang apat pa na alam natin, eh yun pang ibang tinatago.
Kaso, komo abogado, nagtatago sa batas at kasabwat pa ang mga magagaling na abogado sa depensa at ilang mga senador na dapat tandaan natin sa pinakita nila.
Dito nakikita natin na maliliit lamang ang nahuhuli at hindi mga malalaking isda gaya ni Corona na kita naman nating nagnakaw pero nakakalusot dahil sa batas na nababaluktot nila.
* * *
Bakit hindi pa rin naiuuwi ang bangkay ni Ignacio “Iggy”
Arroyo mula sa London samantalang dala-wang asawa niya ang nag-aagawan.
Simple lamang, hindi ho Mrs. Arroyo ang hinahanap ng opisyal ng United Kingdom kung hindi Mrs. Jose Pidal ayon sa text na kumakalat.
* * *
Para sa anumang reaksyon, suhestiyon text lang sa 09498341929 o e mail sa [email protected]
- Latest
- Trending