Pinaboran ang pangalawang asawa
(Huling bahagi)
ITO ang karugtong ng kuwento ni Mario. Nakarelasyon niya ang dalawang babae (sina Marta at Pacita) at dalawang beses nag-asawa. Nang mamatay si Mario, sinabi ni Marta na, siya lang dapat ang solong tagapagmana nito. Ayon naman kay Pacita, sila at kanyang pitong anak ang mas may karapatan sa retirement insurance dahil sila na ang ginawang beneficiaries ni Mario sa life insurance. Sino sa kanila ang tama?
Ibinibigay ang life insurance kung sino man ang nakasulat na beneficiaries kahit pa hindi ito ang tagapagmana ng namatay at kahit legal man siyang tagapagmana o hindi. Nakasaad sa Insurance Act na hindi kailangan na isang tagapagmana ang makakuha sa insurance proceeds. Kung sakali at walang nakasulat na beneficiaries ay saka pa lang pupunta sa estate ng namatay ang nasabing insurance proceeds.
Tungkol naman sa retirement benefits, paghahatian ito ng dalawang misis. Ayon sa Korte Suprema, sa pag-aaral nito sa karapatan ng dalawang pamilya ni Mario, nananatili ang unang kasal ni Mario kay Marta. Kailanman ay hindi isinuko o binitawan ni Marta ang karapatan upang makihati sa ari-arian nilang mag-asawa o ang tinatawag na “conjugal partnership” kaya hindi nawala sa kanya ang karapatan na maghabol sa ari-arian ng asawa bilang legal nitong tagapagmana.
Sa panig naman ng pangalawang asawang si Pacita, tanggap natin na ang buong akala ng babae ay legal siyang asawa at hindi kabit dahil pinakasalan siya ni Mario. Sa ingles, tinatawag itong “good faith” dahil malinis ang hangarin niya nang pumasok sa kasal kaya ituturing na wala siyang kasalanan at kunwari ay totoo rin ang kasal nila ni Mario. Ang obserbasyon din ng korte, kahit
- Latest
- Trending