^

PSN Opinyon

Pinaboran ang pangalawang asawa (Unang bahagi)

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

ITO ay kuwento ni Mario, isang empleado ng gobyerno na nagtrabaho sa Mindanao. Noong nabubuhay pa siya ay nagkarelasyon siya sa dalawang babae at dalawang beses nag-asawa!

Ang unang kasal ay nangyari sa pagitan nila ni Marta. Ikinasal sila noong 1937 sa parokya sa bayan ni Mario. Nagkaroon sila ng dalawang anak pero sa kasamaang-palad ay naunang namatay ang dalawang bata.

Dahil wala na siyang anak na nagbibigay buhay sa kanilang tahanan, unti-unting lumayo ang loob ni Mario kay Marta. Hinayaan lang ito ng babae at bagkus ay tiniis ang malamig niyang pakikitungo kay misis. Sa katunayan, nadiskubre pa ng pobreng babae na nanliligaw siya sa iba — kay Pacita.

Napaniwala ni Mario si Pacita na binata pa siya. Kaya matapos ang mahigit 20 taon nilang pagsasama ni Marta ay muling nagpakasal si Mario. Si Pacita ang kanyang pinakasalan at sa mismong simbahan pa kung saan dati silang nagpakasal ni Marta. Pikit-matang tinanggap na lang ni Marta ang kanyang kapalaran at pumayag na kahati niya ang ibang babae sa asawa. Hindi siya tumutol sa pagpapakasal muli ng kanyang asawa.

Mukhang sinuwerte si Mario sa pangalawang pagpapakasal. Nagkaroon siya ng pitong anak kay Pacita. Sa piling ng pangalawang pamilya at pagkatapos ng ilang dekadang pagtatrabaho sa gobyerno ay namatay si Mario. Saka naman lumabas ang problema sa dalawang pamilya.

Dahil empleyado ng gobyerno at miyembro ng GSIS, dalawang klase ng insurance ang makukuha ni Mario. Ang life insu-rance at ang retirement insurance. Benepisyaryo ni Mario sa kanyang life insurance ang pangalawang asawang si Pacita at ang pitong anak dito pero sa retirement insurance ay hindi siya nakapagsulat kung sino ang kanyang benepisyaryo kaya parehong naghabol ang kanyang dalawang misis.

Ayon kay Marta, siya lang dapat ang solong ta-gapagmana ni Mario. Ayon naman kay Pacita at sa kanyang pitong anak, sila ang mas may karapatan sa retirement insurance dahil sila na ang ginawang benepisyaryo ni Mario sa life insurance. Sino nga ba sa kanila ang tama?

(Itutuloy)

AYON

DAHIL

DALAWANG

KANYANG

MARIO

MARTA

NAGKAROON

PACITA

SI PACITA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with