^

PSN Opinyon

Simpleng tips sa pagtulog

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

MAHALAGA ang tulog sa ating katawan. Ang mga kabataan ay natutulog ng 8 hanggang 10 oras bawat gabi. Ngunit pag-abot natin ng edad 50 pataas ay mababawasan na ang tulog sa 6-7 oras bawat gabi. Ang mga edad 70 pataas ay minsan 4-5 oras lang kung matulog sa gabi.

Heto ang mga tips para sa mga hirap makatulog:

Matulog ng parehong oras bawat gabi. Humiga sa kama ng may takdang oras, tulad ng alas 9 ng gabi.

Huwag mag-siesta. Kapag natulog ka sa hapon, hindi ka na aantukin sa gabi.

Mag-ehersisyo sa umaga o hapon. Kapag pagod ang ating katawan, mas madali makatulog sa gabi.

Huwag uminom ng kape o iced tea sa hapon o gabi. Ang mga ito ay may caffeine na nagpapagising sa atin.

Makinig ng konting musika. Mag-relax. Puwede rin magpamasahe at maligo ng maligamgam na tubig.

Huwag gamitin ang alak na pampatulog. Ang problema sa alak ay mapapaaga rin ang gising mo sa umaga. At saka may hang-over ka pa.

May mga vitamins at supplements na puwede n’yong subukan. Uminom ng Vitamin B complex. Nakapagpapagana ito sa pagkain at may tulong din sa pagtulog.

Subukan ang Melatonin Supplements. Ayon kay Dr. Rebecca Castillo, ang melatonin ay nakatutulong sa pagtulog at nagpapalakas na ating immune system.

Kapag hindi epektibo ang Vitamin B complex o Melatonin para sa iyo, puwede magpareseta ng sleeping pills. Ngunit dapat ay paminsan-minsan lang ang pag-inom ng sleeping pills dahil nakakasanay ito.

 Kapag hindi talaga makatulog, humiga na lang sa kama. Kahit gising ka ay okay lang dahil nakakapahinga naman ang iyong katawan. Kapag humiga ka ng 2 oras, para ka na rin nakatulog ng 1 oras.

11. Ayon kay Pastor  Nor­man Vincent Peale, kapag hindi siya makatulog ay pinagdarasal niya ang lahat ng kanyang kaibigan. Nagpapasalamat din siya sa mga biyayang natanggap sa buhay. Puwede natin siya tularan.

12. At siyempre, huwag kalimutan magdasal sa Diyos. Ipasa n’yo ang lahat ng problema sa Kanya. Ang Diyos na ang bahala rito. Sa ganitong paraan, magiging mahim-bing ang iyong pagtulog.

Good luck po!

ANG DIYOS

AYON

DR. REBECCA CASTILLO

GABI

HUWAG

KAPAG

MELATONIN SUPPLEMENTS

NGUNIT

VITAMIN B

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with