^

PSN Opinyon

EDITORYAL - 'Bureau of Custong'

-

NANANATILI pa ring nangunguna sa pagi­ging corrupt ang Bureau of Customs (BOC). Kaya nang dumalo si President Noynoy Aquino sa ika-110th anniversary noong Lunes, mahigpit ang babala niya sa mga taga-Customs na iwasto ang mga pagkakamali na naganap sa nakaraang admi­nistrasyon. Partikular na binanggit niya ang pagkawala ng 2,000 container vans noong panahon ng Arroyo administration. Nawala umano ang container vans habang nasa South Luzon Expressway. May nagsabing hindi lamang 2,000 container vans ang nawala kundi 20,000. Sabi ni P-Noy, ayaw na niyang maulit ang nangyaring iyon. Huwag na raw mauulit ang ginawa ni David Copperfield. Si Copperfield ay ang American magician na nagagawang i-disappear ang mga bagay na magustuhan niya.

Kung mayroon mang dapat bigyan ng babala si P-Noy, ito ay walang iba kundi si Customs Commissioner Rufino Biazon. Si Biazon ang dapat gumawa ng hakbang para malipol ang mga “buwaya” sa Customs. Walang ibang makapagpapatino sa mga “gutom na buwaya” kundi ang namumuno mismo. Kung talagang nais ni Biazon na maibangon ang puri ng Customs at mapaniwala ang mamamayan na wala nang “buwaya” roon, dapat balasahin niya nang balasahin ang mga tao. Bawat buwan ilipat niya nang ilipat para maiwasan ang pangungu­rakot. Kung mananatili sa isang departamento sa mahabang panahon ang isang empleado, siguradong makagagawa siya ng sistema kung paano makapagnakaw. Umano’y maski ang karaniwang clerk, janitor at sekyu sa Customs ay nakaka­kurakot. Nagkaroon na rin ng “kaliskis-buwaya” na ang mga bituka ay walang kabusugan.

Isang maliwanag na katotohanan na kahit karaniwang clerk na sumasahod umano ng P10,000 isang buwan ay nagmamaneho ng Porche. Gaya ni Paulino Elevado na nasangkot sa pamamaril sa dalawang estudyante at pambubugbog sa mga ito. Hinabol umano ni Elevado sakay ng puting Porsche ang Innova ng mga estudyante makaraang masagi ang kanyang sasakyan. Kahapon, sumuko na si Elevado kay Biazon.

Kung magagawa ni Biazon na linisin sa mga “buwaya” ang Customs, pupurihin siya ng mamamayan. Baka igawa siya ng rebulto bilang pag-alala sa nagawang paglipol sa mga “buwaya”.

BIAZON

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS

CUSTOMS COMMISSIONER RUFINO BIAZON

DAVID COPPERFIELD

ELEVADO

P-NOY

PAULINO ELEVADO

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with