^

PSN Opinyon

Biktima ng teknolohiya

K KA LANG? - Korina Sanchez -

NANG mabasa ko na nag-file na ng bankruptcy ang Kodak, nalungkot ako nang husto. Buong buhay ko, mula nang magkaisip, kapag litrato at kamera na ang pinag-uusapan, Kodak ang maririnig mong tatak. Ginawang Tagalog na nga ang pangalan, para ilarawan ang akto ng pagkuha ng litrato – “Kodakan”. Natatandaan ko ang una kong kamera, siyempre Kodak ang tatak dahil ito yung mura at hindi kumplikado katulad ng mga ibang lumalabas nang panahon na iyon. Kung anu-ano na lang ang pinagkukukuha ko, at pinapa-develop para makita ang aking mga kuha. Medyo magastos, lalo na kung de-kolor pa ang mga litrato at hindi black & white.

Gumanda nang bahagya ang teknolohiya ng pag-develop ng litrato. Kung dati ay ilang araw ang hihintayin mo, umikli nang umiksi ito hanggang sa isang oras na lang ang hihintayin mo para makuha ang mga litrato. Ang galing! Pero pagsampa ng dekada nobenta, lumabas na ang unang digital na kamera. Dito, kaagad ang kuha. Kung ayaw burahin. Kung nagustuhan, pwede ipa-develop pa rin sa Kodak. Sumabay ang Kodak sa teknolohiyang ito. Pero nang naging mas hi-tech na nang husto ang mga kamera, sabay labas ng mga software katulad ng Adobe Photoshop, hindi na kinailangan ang mga developing centers. Unti-unti na ring nawala ang mga film na ginagamit ng mga hindi digital na kamera. Hanggang sa ganun na nga, na-bankrupt ang Kodak. Napakalungkot.

Pero kung tatanungin ang mga propesyonal na litratista, mas maganda pa rin ang film kumpara sa digital na larawan. Parang yung mga nagsasabing mas maganda pa rin ang tunog ng mga plaka kaysa sa CD o mga na-download na tugtog sa computer. Kaya lang, sa digital, kita mo kaagad ang trabaho mo at nababago mo pa ang larawan. Kaagad. Wala nang hintayan. Iyan ang pumatay sa Kodak. Yung teknolohiya kung saan hindi na sila kinailangan. Nabanggit ko na rin, namemeligro na rin ang industriya ng musika, dahil sa mga libreng download na kanta. Pero huwag na muna nating talakayin iyan.

Sa tingin ko, ang mangyayari sa Kodak, mawawala sa eksena nang ilang taon. Baka dekada pa nga. Tapos mabubuhay muli ang interes sa kanilang mga lumang kagamitan, mga lumang kamera, pati na rin mga lumang film. Mas mahal na siyempre, dahil pang-kolektor na. Parang mga plaka. May halaga na ang ilang mga plaka, lalo na kung Beatles o Elvis Presley. Pati mga plaka ng mga Pilipinong banda na sumikat noong dekada sisenta at sitenta, may halaga na. Ang mga aparato na de-karayom para tugtugin ang mga ito ay mahal na rin. Kaya para sa mga may mga kagamitang Kodak pa, balutin at ingatan ang mga kagamitan. Itago sa isang lugar na hindi aamagin o mababasa o maiinitan. Pagkalipas ng ilang dekada, baka may halaga na rin. Bibilhin iyan ng mga kolektor na gustong maalala ang mga nakaraan, o yung mga gustong maranasan ang nakaraan. 

ADOBE PHOTOSHOP

ELVIS PRESLEY

GINAWANG TAGALOG

KAYA

KODAK

KUNG

NANG

PERO

RIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with