^

PSN Opinyon

Anong klaseng misyonaryo ang turtle-eating Koreans?

DURIAN SHAKE -

KUNG saan-saang sulok na ng mundo nakakaabot ang mga missionaries ng Hannah International Mobilization na may headquarters sa Seoul, South Korea. At nitong huli ay dumating sila sa Davao City lulan ng kanilang M/V Hannah II vessel noong Nobyembre 2011 at sinasabing itataguyod nila ang kanilang missionary work dito hanggang Mayo.

Ang Hannah International Mobilization ay parte ng Mission Korea Coalition na may higit 100 ang miyembro.

Ngunit ang kanilang pagdating at pamamalagi rito ay nabahiran ng isang kontrobersiya matapos natagpuan ng news team ng ABC5 dito ang ulo at iba pang parte ng katawan ng isang green sea turtle o tinatawag na pawikan sa isang ba­surahan sa may Chinatown na bahagi ng siyudad.

Napag-alaman ng ABC5 news team na ang nakita nila sa basurahan ay ang natira sa pawikan na kinain ng mga missionaries ng Hannah International Mobilization.

Minabuti ng isang Ms. Hannah Parks, may-ari ng M/V Hannah na ipaliwanag sa mga mamamahayag dito sa Davao City na ang naturang pawikan ay talagang kinain nila dahil ito nga ay regalo sa kanila ng president ng Republic of Palau kung saan sila nanggaling bago nakarating ng Pilipinas.

Ngunit kahit ano mang paliwanag ni Parks nanatili ang katotohanang ang green sea turtle (scientific name Chelonia mydas) ay isang endangered species at ang pagpatay nito ay paglabag sa Republic Act (RA) 9147, or the Wildlife Protection and Conservation Act of 2001.

Inilista rin ng International Union for the Conservation of Nature ang green sea turtle bilang endangered.

Hinimok ng mga mamamahayag at ilang local officials dito na dapat imbestigahan ang Hannah International Mobilization. Mga misyonaryo pa naman sila ngunit sila pa mismo ang nangununang lumalabag sa batas ukol sa conservation at protection ng ating environment.

Maging si Mayor Sara Duterte ay hindi sang-ayon sa pag­hingi nga ng apology nina Hannah Parks dahil sa pagkatay ng pawikan.

Gustong ipadeklara ng ilang local officials dito na persona-non-grata ang mga Hannah missionaries.

Kaya naman hinihikayat ng mga mamamayan dito ang Department of Environment and Natural Resources na imbestigahan ang pangyayari at patawan ng nararapat na kaparusahan ang mga Koreanong sinasabing misyonaryo ngunit mangangatay pala ng pawikan.

Dapat bantayang maigi ng mga awtoridad ang Hannah International Mobilization dahil baka hindi para sa kapakanan ng tao ang talagang pakay nila at sila ay narito upang magdulot ng kapahamakan sa ating kalikasan.

ANG HANNAH INTERNATIONAL MOBILIZATION

CONSERVATION OF NATURE

DAVAO CITY

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

HANNAH

HANNAH INTERNATIONAL MOBILIZATION

HANNAH PARKS

INTERNATIONAL UNION

V HANNAH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with