Cancer sa lapay
Magandang-araw po Dr. Elicaño at sa mga namumuno sa Pilipino Star NGAYON. Itatanong ko po kung ano ang dahilan at ano ang sintomas ng cancer sa lapay. Malakas po ang aking kutob na ang aking ama ay may ganitong sakit. Wala pa kaming sapat na pera pangpa-check-up kaya ikaw ang aking kinunsulta. Salamat.”
–Jane Malapote ng Ibarra St. Sampaloc Manila
Hindi pa ganap na matukoy ang dahilan ng cancer sa pancreas o lapay. Tinitingnang dahilan ang pagka- sugapa sa alak, sigarilyo at caffeine. Pero hanggang ngayon, wala pang konkretong basehan ukol dito.
Sintomas ng cancer sa lapay ang pananakit ng tiyan, paninilaw, pagbaba ng timbang, masyadong mapula ang ihi, hindi matunawan at panghihina ng katawan.
Itinuturing ang cancer sa lapay na pinaka-deadly cancer. Fifty percent ng may cancer sa lapay ang namamatay tatlong buwan makaraan na ito ay ma-diagnosed. Kapag ang cancer ay natuklasan sa advanced stage, maliit na ang tsansa na gumaling pa ito.
Radical surgery ang itinuturing na epektibong paraan ng treatment kung ang cancer ay hindi pa naka-spread sa organs at blood vessels. Sa pamamagitan ng radical surgery, aalisin ang lapay, stomach, bahagi ng bituka, bile duct at ang spleen.
Inuulit ko na ang maagang pagkakatuklas sa cancer sa lapay ang maghahatid sa paggaling. Ang cancer ay karaniwang tumatama sa mga may edad 35 hanggang 70.
- Latest
- Trending