** QC Trowel Club
THIS coming Tuesday, Feb 7, 2012, at around 6:00 pm gagawin ang 3rd induction of officers ng QC Trowel Club si RW Santiago ‘Boy’ T. Gabionza Jr., Deputy Grand Master, Most Worshipful Grand Lodge of the Philippines my Philippines ang guest of honor, speaker at inducing este mali inducting officer pala.
Sa Hotel Rembrandt, Quezon City, ito gagawin at susuhulan este susundan pala ng isang matindihan fellowship.
Ang pinagsawaan este mali pinalitan pangulo pala ay si outgoing President - Bro. Vladimir F. Pelaez (Cosmos No.8).
Samantala, ang mga bagong hangal este mali halal pala na mga officials ng QC Trowel Club ay sina Pres - Bro. Tony D. Ong (NS Amoranto 358), VP Internal - Noel S. Ferrer (Amoranto 358), VP External - Cesar Cabral (Mandaluyong 277), Sec. - Dario T. Anasco, Jr. (ILM 5), Asst. Sec. - Arnulfo Macatangay (Dapitan 21), Treas. - Bonifacio Alaiza (Amoranto 358), Asst. Treas - Elmer Sagsagat (Sts.John Corregidor 3), Auditor - Voltaire Padilla (ILM 5), Asst. Auditor - Lenie Allen Sampayan (Amoranto 358), PRO 1 - Victor Ong (Dalisay 14), PRO 2 - Elpidio De Chavez (Amoranto 358), at Chaplain - Benjamin ‘Boy priest’ Elenzano (Amoranto 358).
Ang mga black board este mali Board Members pala ay sina Reynaldo ‘Fiscal Bogart’ A. Garcia, Amoranto 358, Daniel ‘Causeway’ Chua, Labong 59, Victor Ace Espejo, Amoranto 358, Wesley Chua, Mencius 93 at Freddie Lilagan, ng Island Luz Minerva Lodge 5.
Para sa kaalaman ng mga Master Masons lahat kayo ay imbitado sa nasabing pagtitipon ang tire este mali attire pala ay Black Suit with blue neck tie para sa mga official ng QC Trowel Club at sa mga amuyong este members pala at mga MM ay Masonic attire tayo.
Pinaaalahanan ni WB Bogart Garcia ang mga pupunta sa pagtitipon na kung maari ay huwag ng magdala ng mga malalaking supot o plastic bag para paglagyan ng mga matitirang pagkain pang take home dahil nakatoka sa una ang mga ito at siya na ang magbibigay sa inyo.
Kaya ang tagubilin ay tandaan!*
Molestiador sa MIAA
USAP - usapan the other day ang sinasabing pangmomolestiya ni retired PAF Major General Antonio Bautista, ang number 2 man sa Manila International Airport Authority, sa isang pretty bebot na ‘casual employee’ nito dahil dehins nila maubos maisip kung bakit nagawa ito ng kanilang bossing.
Sabi nga, kamanyakan?
Dahil sa pangyayaring ‘dakmaan sa wetpu’ nagbigti este mali nagbitiw pala sa tungkulin si Bautista.
Ika nga, huhuhu - goodbye to all of you NAIAN’s.
Sabi nga, dapat lang!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mahirap sa isang nilalang ni Lord ang maging mahirap dahil karaniwan inaargabiado at pini-pressure ng kanilang mga bossing.
Casual employee ang bebot na dinakmaan ng wetpu ni Bautista lahat yata ng pangako ay gustong ibigay ng huli sa bebotskie kaya naman ang kanyang indecent proposal ay lagpas heaven makamit lamang ang ‘yes’ ng tsiking-king.
Mga special offer tulad ng permanent job sa office, pera para sa magulang at kung anu-ano pang kaginhawaan sa life ang ibibigay.
Ang siste hindi umubra ang mga promises ni Bautista kaya isang lips to lips na lamang ang ginawa nito sa bebot kaya lang ang naging problema ay dumaplis sa labi ng pretty baby.
Dahil sa hindi umubra ang tangkang umaatikabong halikan sana ay dinakma na lamang nito ang wetpu ni babae.
Si Bautista ang number 2-man sa MIAA, binitbit ito ng kanyang kabarong si retired PAF Major General Bodet Honrado ng manalo si P. Noy sa pagka - panggulo este mali pangulo pala ng Philippines my Philippines ilang linggo matapos umupo ang huli sa kanyang trono dyan sa malakanin este Malakanyang pala.
Isang malaking dagok ang ginawa ni Bautista sa Palasyo kung totoong ginawa niya ang inaangal ng bebot sa affidavit nito nasa Pasay City Prosecutors Office dahil kung ang slogan na ‘tuwid na daan’ ni P. Noy ang pag-uusapan sa MIAA ay nabaluktot ito sa airport. Hehehe!
Dapat sa nangyaring kahihiyan ay magbitiw na rin sa tungkulin si MIAA general manager Bodet Honrado dahil siya ang bumitbit kay Bautista sa paliparan.
Sabi nga, command responsibilities at delicadeza!
Abangan.
- Latest
- Trending