^

PSN Opinyon

EDITORYAL - 'Ubos Sayyaf'

-

MAGANDANG balita na tatlong lider ng terorista at 12 sa kanilang mga miyembro ang napatay sa isang air raid sa Duyan Kabaw, Parang, Sulu noong madaling araw ng Huwebes. Ang mga napatay ay kinilalang sina Doc Abu Pula ng Abu Sayyaf; Zulfikli Bin Hair at Muhamda Ali, mga lider ng Jemmah Islamiyah. Sinalakay ng dalawang OV-10 Broncos ang kuta ng mga terorista dakong alas tres ng madaling araw at binagsakan ng 227 kilos ng bomba. Natutulog pa umano ang mga rebelde sa kanilang mga tent na nasa gitna ng niyugan nang sorpresang bombahin. Umano’y mga nasa 30 ang bilang ng mga terorista. Hindi na umano nakaganti ang mga terorista at ang iba ay nakatakas. Ayon sa military, segundo lamang ang pangyayari.

Ang pagkakapatay sa tatlong lider ay malaking kabawasan sa mga naghahasik ng kaguluhan sa bansa. Maaaring napilayan ang mga terorista sapagkat ang mga napatay umano ang mga nagsasanay sa mga nire-recruit na miyembro para gumawa ng bomba. Ang Jemaah Islamiyah na isang terrorist group sa Indonesia ay binibigyan ng pondo ng Al-Qaeda na dating pinamumunuan ng napatay na si Osama bin Laden. Ang JI ang pinaniniwalaang nasa likod ng mga pambobomba sa Metro Manila.

Kung magsasagawa pa nang pagsalakay ang military sa mga kuta ng terorista, hindi magtatagal at mauuubos ang mga ito. Mawawala na ang mga kidnapper na ang kadalasang binibiktima ay mga dayuhan. Noong Miyerkules ng tanghali, dalawang dayuhan ang kinidnap sa Tawi-Tawi habang kumukuha ng mga retrato ng ibon. Limang armadong lalaki na pinaniniwalaang Abu Sayyaf ang umano’y kumidnap sa mga ito. Hanggang ngayon wala pang balita sa dalawang dayuhan.

Dapat nang maubos ang Abu Sayyaf at mangyayari lamang ito kung patuloy na magbibigay ng reward para mahuli ang mga lider ng grupong ito. Mas malaki ang reward, mas madaling makaakit sa informant. Umano’y isang impormante ang nakapag-tip sa military kaya sinalakay ang kuta ng mga tero­rista na ikinamatay nga ng tatlong teroristang lider.

Ubusin ang Sayyaf at iba pang terorista para magkaroon ng katahimikan sa Mindanao. Kapag naging tahimik sa Mindanao, marami nang turista ang dadalaw at uunlad na ang turismo ng bansa.

ABU SAYYAF

ANG JEMAAH ISLAMIYAH

DOC ABU PULA

DUYAN KABAW

JEMMAH ISLAMIYAH

METRO MANILA

MINDANAO

MUHAMDA ALI

NOONG MIYERKULES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with